• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit alam na nila pero ‘di pwedeng sabihin: DINGDONG, inaming na-experience nila ang joy of discovering kung sino ang killer

ANG actress-singer na si Vina Morales ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.” 
Isa sa unang naitanong kay Vina ay kung naniniwala pa ba siya sa kasal. Medyo nabigla si Vina  pero sagot niya, isa raw iyon sa ipinagdarasal niya, naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya.
“In God’s time, in God’s perfect time. I always believe na, there’s someone out there for me. The right one – ayoko nang ipilit. I still believe in marriage, for me, that’s God’s blessing.”
Dating karelasyon ni Vina si Cedric Lee, at may anak sila, si Ceana, born in 2009.
***
NAGKAROON muli ng pagsasama-sama ng cast ng hit murder mystery drama series na  “Royal Blood” para sa script reading nila since malapit na ang finale nila, ipinaalam na kung sino talaga sa kanila ang pumatay kay Gustavo.
Everybody is excited na kahit si Ms. Annette Gozon-Valdes ay nag-attend din sa script reading. Pero lahat ay hindi rin alam kung sino nga ang killer. Hinala nina Mikael Daez at Dion Ignacio hindi lamang isa ang killer, pero ayaw din nilang sabihin kung sino.
Isa pa, kahit alam na nila, hindi nila pwedeng sabihin dahil may pinirmahan silang “non-disclosure agreement”.
Ayon kay Dingdong Dantes: “Gusto namin ma-experience talaga nila yung joy of discovering kung sino yung pumatay up to the very last minute.”
Ang “Royal Blood” ay napapanood pagkatapos ng “Voltes V: Legacy” at 8:50 pm sa GMA-7.
***
SI Senator Bong Revilla Jr. ang nag-announce na ngayong naka-break ang action-comedy series niyang “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” gagawa siya ng movie with Kapuso Teen Princess Jillian Ward, na may working title na “Lagot Ka sa Tatay Ko,” na gaganap silang mag-ama.
Inspired daw ito ng “Isusumbong Kita sa Tatay Ko” nina Fernando Poe Jr. at Judy Ann Santos in 1999. Nagkasama na sina Sen. Bong at Jillian na child star pa lamang noon, sa tatlong MMFF movies.
Balak ni Sen. Bong ipalabas ito next year on Valentine’s Day or on Father’s Day in June.
Tamang-tama namang papatapos na rin ang top-rating afternoon prime drama series ni Jillian sa GMA-7, ang “Abot-Kamay na Pangarap” with Carmina Villarroel and Richard Yap, na napapanood Mondays to Saturdays, 2:30 p.m.
(NORA V. CALDERON)
Other News
  • Utos ni PBBM sa PNP, tamaan ang mga “malalaking isda” sa kampanya laban sa ilegal na droga

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine National Police (PNP) na ituon ang pansin sa sindikato at high-profile illegal drugs personalities sa pagsasagawa ng agresibong anti-illegal drugs operations.     Sinabi ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na ito ang gabay na isinasagawa nila ngayon at ipagpapatuloy na ipatupad sa mga araw patungo […]

  • Volume ng mga sasakyan sa NCR, sobra na- MMDA

    SOBRA na ang volume o dami ng mga sasakyan sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Romando Artes na para sa taong 2021 lamang ay mayroon ng 300,000 karagdagang sasakyan sa bansa o hanggang 70% na bumabagtas sa Kalakhang Maynila.     “Sobra na po ang volume […]

  • Hirit sa Kongreso na P2 bilyong pisong supplemental budget para sa DoH

    KUMBINSIDO ang Malakanyang na hindi naman ipagdaramot ng Kongreso ang hirit ng Department of Health na dalawang bilyong pisong supplemental budget para sa patuloy na pagtugon ng gobyerno sa banta ng COVID-19.   Nauna rito ay umapela si Health Secretary Francisco Duque III sa liderato ng kongreso na aprubahan ang supplemental budget sa panahong ito […]