• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit inabot ng 82 days ang lock-in taping: Direk GINA, nagpapasalamat na walang nagkasakit sa buong cast and crew

ANG star builder na si Johnny Manahan a.k.a. Mr. M ang isa sa may kinalaman kung bakit nag-rebrand ang GMA Artist Center to Sparkle para sa taong ito.

 

 

Naniniwala kasi si Mr. M sa sipag at talento ng mga artists ng Kapuso network at malayo pa ang mararating nila.

 

 

“I would say to just keep on with the process, the process of becoming an actor. ‘Yung magiging celebrity secondary ‘yun eh. Unahin ‘yung pagiging artista. Darating ‘yung celebrity nila.

 

 

So I would say shine brightly. Live up to the name of ‘Sparkle,” simpleng advise ni Mr. M.

 

 

Sa tulong na rin ni Ms. Gigi Santiago-Lara, Senior Assistant Vice President for Alternative Productions, mabibigyan ng magagandang projects ang mga artists ng Sparkle.

 

 

Hahasain sila, hindi lang sa pagiging mga aktor, kundi sa iba’t ibang departamento ng entertainment.

 

 

May kanya-kanyang expectations ang mga tulad nila Bianca Umali, Gabbi Garcia, Ysabel Ortega, Sanya Lopez, Ruru Madrid, Khalil Ramos, Miguel Tanfelix, at Derrick Monasterio sa pag-rebrand ng Sparkle sa kanilang careers.

 

 

Nangako naman sila na kung ano ang makakabuti sa kanilang careers, susunod sila sa mga advises nila Mr. M at Ms. Gigi.

 

 

***

 

 

NAGPASALAMAT si Gina Alajar na kahit inabot ng 82 days ang lock-in taping ng Book 2 ng Prima Donnas, walang nagkasakit sa buong cast and crew kaya tuluy-tuloy ang trabaho nila.

 

 

Dapat ay 60 days lang daw ang lock-in ng buong production. Pero naisip nilang ituloy na ang natitira pang taping schedules para ‘di na raw sila bumalik for another cycle.

 

 

“Naging okay naman sa lahat yung pagdagdag ng another few weeks sa original lock-in schedule. Kasi that time paparating na ang Christmas, eh kesa naman ma-distrupt ang Pasko ng mga tao, ituloy na namin para wala nang babalikan. Para enjoy lahat sa bakasyon,” sey ni Direk Gina.

 

 

Tama rin ang ginawa ni Direk Gina dahil biglang sumipa ang COVID-19 cases bago natapos ang December. At least, finish na raw ang buong teleserye at naging safe lahat.

 

 

“Nakatulong din sa amin yung mag-pray kaming lahat bago magtrabaho. Humihingj kami parati kay Lord ng protection and guidance.    “Kaya siguro naging malakas ang pangangatawan namin everyday sa set,” sey pa niya.

 

 

Bago magsimula ang Book 2 ng Prima Donnas sa Jan­uary 24, magre-recap muna ng Book 1 this week na mapapanood pa rin after Eat Bulaga.

 

 

***

 

 

NILABAS na sa media ang cause of death ng 99-year old American TV icon na si Betty White noong nakaraang Dec. 31, 2021. Stroke ang naging dahilan.

 

 

According to the document, issued by the Los Angeles County Department of Public Health: “Betty had a cerebrovascular accident, a medical term for a stroke or the loss of blood flow to the brain caused by a clot or ruptured blood vessels, resulting in brain tissue damage. The stroke occurred six days prior to White’s death.”

 

 

Ayon sa longtime agent ni Betty na si Jeff Witjas, naging maayos naman daw ang pakiramdam ng aktres ilang araw bago ito namayapa.

 

 

“Betty passed in her sleep peacefully without pain. To me this is the most important thing and brings me comfort as her dear friend. Anything else is private to Betty,” sey ni Witjas.

 

 

Tinawag na America’s Geriatric Sweetheart si Betty dahil sa kanyang Emmy-winning roles sa mga hit sitcoms na The Mary Tyler Moore Show at The Golden Girls.

 

 

Huli siyang napanood sa 2010 sitcom na Hot in Cleveland for six seasons.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • ‘Avatar 2’ New Image Reveals More Gorgeous Underwater Action

    A new image from Avatar: The Way of Water reveals gorgeous underwater action from James Cameron’s long-awaited sequel.     The first film was released in 2009 and remains the highest-grossing film of all time. Set more than a decade after the first Avatar movie, The Way of Water will feature the return of Jake […]

  • PRIVATE SCHOOLS MAGSASARA SA TOTAL BAN NA “NO PERMIT, NO EXAM” POLICY

    NANGANGAMBA ang Coordinating Council of Private Educational Associations o COCOPEA na maraming pribadong paaralan ang magsasara sa panukalang total ban sa “No permit, no exam policy.     Ayon kay COCOPEA spokesperson Atty. Kristine Carmina Manaog na maraming pribadong paaralan ang magsasara ng operasyon kapag naisabatas ang House Bill No.7584 at Senate Bill No.1359 o […]

  • Face shield mandatory sa pagboto – Comelec

    HINDI muna dapat itapon ang mga ‘face shields’ dahil sa kakailanganin pa ring isuot ito ng mga botante na dadagsa sa tinatayang 105,000 voting precincts sa National at Local Elections sa Mayo 9, ayon sa Commission on Elections (Comelec).     “We are looking at 105,000 precincts. That is up from only around 80,000 nung […]