• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit na may nagne-nega at kumokontra: JANINE, sinabihan na ‘wag nang itago ang relasyon nila ni PAULO

HINDI na nga maitatago ang labis na kaligayahan ngayon ni Janine Gutierrez at base ito sa pinost na New York photos, kasama ang isang larawan ni Paulo Avelino na nakatalikod inilagay niya sa bandang huli.

 

 

May caption ito ng, “once upon a time in NY (kasama ng pizza icon).”

 

 

Nag-comment naman si Paulo ng icon ng ‘man tipping hand’ sa post ni Janine.  Sa IG naman ng aktor, pinost din niya ang solo pix ng aktres kaya ang request ng kinikilig nilang fans, na sana raw sa next post ay magkasama na sila.

 

 

Marami ang natuwa at sinasabing ‘love is in the air’ na kailangan na I-reveal na soon at ‘wag na raw itago ang kanilang relasyon.

 

 

As usual, nagtalo-talo na naman ang netizens na kung ang iba ay natutuwa, meron namang nagsasabi na hindi bagay ang dalawa at ilang sa naging komento nila:

 

 

“Downgrade masyado si Janine. Di sila bagay pa.”

 

 

“Why naman downgrade? If di mo alam, galing si Paulo A sa prominent family. Very lowkey lang talaga sya.”

 

 

“Paanong naging downgrade? Grabe ka naman.”

 

 

“Kahit na ano ang sabihin nyo super love love love nila ang isa’t isa.”

 

 

“What she meant is may anak at walang planing mag settle down.”

 

 

“C Rayver ang nakinabang sa relasyon nila ni Janine. khit talented cya pero walang dating prin sa tao unlike c Paolo na pnag-uusapan projs nya kc magaling tlaga cyang umarte.at ngka-tv commercial pa khit ayaw sa knya ng showbiz reporters kc suplado.”

 

 

“Dahil po ba may anak na si paulo? Pag may anak na pla ang mamahalin mo downgraded na pala tawag don ngayon. Mapanghusgang mata ng mga tao.”

 

 

“Di rin naman upgrade level yung ex nya. Itong si Pau, average lang but at least lamang pa rin sa looks and acting department.”

 

 

“Dati sila ni Rayver sa Paris ngayon naman NYC with Paulo. Ikaw na Janine!”

 

 

“Kaganda kaya ni Janine at edukada pa hindi high maintenance tulad ng ibang babae.”

 

 

“Anong masama sa babaeng high maintenance kung kaya naman ng bulsa.”

 

 

“She is high maintenance she is not even from a very rich family. I find her trying hard.”

 

 

“Nakikita mo ba ang sinasabi mong high maintenance eh sobrang simple at humble ni Janine jusmio ka naman.”

 

 

“Saan na yung nagsabing may resibo daw na hindi sila magkasama?”

 

 

“Hanep! Super saya naman ng araw ko ngayon.”

 

 

“Si Janine di na natuto. Naalala ko noon, Villa Quintana days nya pa lang nakipaghiwalay sya sa nonshowbiz bf nya dahil sobrang napressure ng mga handlers nya at mga fans na ipromote yung love team nila ni Elmo.

 

 

“Kaya ayun, kahit obvious namang di swak personalities nila and di naman sya ganun kahappy, naging sila. Tapos eto na naman ngayon. Parang yung tingin ko dito sa batang to di nya kayang ihandle pressure ng showbiz na hindi nya nawawala sarili nya.”

 

 

“Ano daw, di nga pumatok yung serye at love team nila e at wala na sila upcoming show, nagka inlaban lang talaga sila.”

 

 

“Hayy! Sarap ma inlove.”

 

 

“Paulo mas sikat. Pero si Rayver, fam oriented. Well cguro hindi natuturuan ang puso talaga.”

 

 

“Mga atribida sa comment section, maglaway kayo sa inggit!”

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Quezon City at DTI kapit-bisig sa pagpapabilis sa proseso ng business permit

    LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang  Quezon City government at Department of Trade and Industry (DTI) upang maisama ang Business Name Registration System (BNRS) ng DTI sa QC’s Online Business Permit Application System (OBPAS) para sa mas mabilis na proseso ng business permit sa lungsod.     Ang kasunduan para sa integration ay nilag­daan […]

  • Japan, nagbigay ng PH grant para bumili ng vaccine cold chain equipment

    NAGBIGAY ang Japan sa Pilipinas ng 687-million-yen (P304.7-million) grant upang makabili ang Department of Health (DOH) ng mas maraming cold chain equipment para sa COVID-19 vaccines.     Nilagdaan ng Japan International Cooperation Agency (Jica) at ng Philippine government ang grant agreement sa ilalim ng programa ng Japanese government para sa COVID-19 crisis response emergency […]

  • Ads November 16, 2021