Kahit na pilay: Pingris, aayuda sa Gilas
- Published on February 17, 2020
- by @peoplesbalita
KAHIT NA hindi makakalarong muli sa Gilas Pilipinas, aasiste naman sa kahit anong paraan si Jean Marc Pingris sa kampanya ng national team sa first window ng 2021 International Basketball Federation o FIBA Asia Cup Qualifiers.
Sumugod pa rin ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok player sa ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) Gilas pool na may protective gear sa kanang tuhod dahil nag-injury aniya siya sa ensayo ng kanyang PBA team.
“Natamaan sa praktis,” matipid na paliwanag ng 38-anyos, may taaas na 6-4 at tubong Pozzorubio, Pangasinan na basketbolista.
Nagpaalam na rin aniya siya kay Gilas interim coach Mark Dickel na hindi muna makakapagg-eensayo sa pool. Si Dickel ang Talk ‘N Text active consultant sa PBA rin. Pero naroon siya sa Meralco Gym sa pasig City, umaayuda kina Dickel at sa coaching staff sa ensayo ng iba pang mga nasa pool gaya nang mag-utol na Kiefer Isaac at ferdinand Ravena III.
Mapapasabak ang Pinoy quintet sa Pebrero 20 para sa unang laro sa first window ng Asia Cup qualifiers, Pagkakaabalahan ng laban kontra Thailand sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.
Darayuhin pagkaraan ng tatlong araw sa Jakarta upang upang makatuos naman ang Indonesia, sa maigsi nang panahon at sa iniinda, aminado hindi na nga makalalaro ang beterano ng Gilas. Pero bukas aniya ang pinto niya siya kahit anong paraan para makatulong, maski sa sidelines. Malaking bagay ang kaalaman Ping sa depensa at pagka-beterano para sa mga batang nasa pool. E ang mapasama kaya sa coaching staff?
“Kahit ano, playing-coach, coach, player. Basta para sa bayan, gagawin natin,” panapos na bigkas Pingris.
Saludo sa iyo brod.
-
POC pres. Tolentino ipinagmalaki ang tagumpay ng mga atleta sa kanyang pamumuno
IPINAGMALAKI ni Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino na mayroong mga malalaking sporting events na asahan na dito sa bansa gaganapin. Muling nahalal kasi si Tolentino bilang POC president matapos na talunin ang dating basketbolistang si Chito Loyzaga sa botong 45-15. Sinabi nito na ang resulta ng halalan ay […]
-
6’5” Fil-Am swak sa Gilas Women
WALANG tigil si Gilas Pilipinas Women program director Patrick Henry Aquino na tumuklas ng talento para sa asam ng bansa na makaabot sa Summer Olympic Games women’s basketball. Kaya maagap ang kikilalaning 2019 Philippine Sportswriter Association (PSA) Coach of the Year, sa mga nakikitang talento sa hangaring mapalakas ang national women’s quintet. Isa […]
-
Diverse Lifestyles Shine in Greenfield District’s Celebrity Wellness Weekend
Greenfield Development Corporation, in partnership with Pave Philippines, successfully hosted the Celebrity Wellness Weekend, a two-day event celebrating wellness, entertainment, and community for a meaningful cause. Held at the Food Truck Fest at Greenfield District, the event drew families, food lovers, fitness enthusiasts, and fans, uniting diverse lifestyles in a lively celebration of […]