• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit na todo-bigay sa love scenes: AJ, gusto ring makilala na magaling na artista at goal nila ‘yun ni SEAN

KAHIT na super daring at todo bigay pa rin sa mga love scenes nila ni Sean de Guzman sa Hugas ang bagong movie ng Vivamax, kumpara sa mga past movies nila, ang action element sa Hugas ang nakikitang kaibahan ni AJ Raval.

 

 

Sey ni AJ, “Unang-una po, ang kaibahan po sa mga ginawa namin before, ito po, action. Talagang binigay po namin ang best namin dito. At marami po kaming natutunan na dinala po namin dito sa Hugas.

 

 

     “Nandiyan po si Direk Roman (Perez Jr.) na alam na po niya kaming kapain, pangaralan. I think, binigay naman po namin ang best namin dito. Unang-una, ako po, pangarap ko po talagang mag-action and I think, this is a dream come true.”

 

 

Mas nakilala, mas nag-ingay si AJ last year at masasabing isa siya sa naging controversial star. Pero ngayong 2022, gusto raw niyang makilala siyang talaga bilang isang actress.

 

 

Aniya, “Siyempre, gusto ko rin pong makilala na magaling pong umarte, may talent po. ‘Yun po ang gino-goal namin ni Sean this year, napag-usapan po namin.”

 

 

***

 

 

ANG pagba-bible study araw-araw ang isa raw sa naging dahilan kaya kahit aminado ang mga director at cast ng Prima Donnas ay nakatagal sila at natapos nila ang halos 3 buwan na lock-in taping nila.

 

 

Pare-parehong aminado sina Wendell Ramos, Benjie Paras, Chanda Romero, Katrina Halili, Aiko Melendez at ang bagong mapapanood sa book 2 na si Sheryl Cruz na may mga personal silang struggle sa ginawang lock-in taping.

 

 

Si Wendell, nandiyang nanganak ang misis niya na wala siya at nagdesisyon na hindi na lumabas from the lock-in at hindi nakita ang bagong silang na anak at nakasama ang misis hanggang sa tapos na ang lock-in nila.

 

 

Si Aiko na ang dami nga namang inaasikaso dahil tumatakbo ito sa Quezon City at gayundin si Benjie na aminadong nami-miss ang mag-iina niya.

 

 

Pero lahat sila, very thankful sa director ng serye na si Gina Alajar dahil bukod sa bible study, nagkakaroon din daw sila ng Praise & Worship.

 

 

At ngayon, tahasan nilang sinasabi na kung may expert na nga siguro sa lock-in taping, pwede na nilang i-claim ito at pwede na raw mag-seminar sa kanila.

 

 

Simula sa Lunes, sa GMA Afternoon Prime ang pagbabalik ng Prima Donnas na sa trailer pa lang, ang dami ng pasabog.

 

 

***

 

 

SA mga kapatid, ayon kay Pokwang, meron at meron daw talagang lumalabas na pasaway.

 

 

At sabi nga niya sa naging YouTube interview niya kay Ogie Diaz, hindi raw niya sinisisi ang ilang kapatid sa naging situwasyon ng ina, pero alam daw niya na may time, nagsisinungaling sa kanya ang ina para makahingi ng pera at maibigay sa mga ito.

 

 

Inamin ni Pokwang na tila nag-withdraw na rin siya sa pagtulong o pagbibigay siguro ng pinansiyal sa ilang kapatid dahil sabi nga niya, “Dumating na siguro ko sa punto na enough na. At naniniwala ako na ang tao kahit bigyan mo ng isang libo, kung gustong umasenso, mapapalago.”

 

 

      “Kasi again, meron na akong pamilya. May anak akong binubuhay. At hindi porke’t artista ako, kumikita ako nang malaki. Hindi laging gano’n. May mga obligasyon din ako.”

 

 

Naging emosyonal si Pokwang at naluha habang nagpapahatid ng message sa mga kapatid nga.

 

 

Sey pa niya, “Hindi naman pwedeng lagi na habambuhay kargakarga mo sila. ‘Pag meron naman, nag-aabot naman, di ba? Pero sana kapag hindi napagbigyan, ‘wag naman magsasalita ng kung ano-ano. 

 

 

      “Alam n’yo naman ang buhay natin, hindi naman tayo pinanganak na mayaman.” 

 

 

Sinabi rin niya sa mga ito na kung hindi raw ba natuwa na bago mamatay ang ina nila, kahit paano nga naman, nakaranas ng ginhawa.

 

 

At ramdam mo talaga ang bigat na dala niya nang tanungin niya ang mga ito pa rin na, “Feeling ko, bakit kailangang kargahin ko lahat? Bakit kailangan lahat karga ko? Tingin n’yo dahil ako ang kumikita? May obligasyon din ako. 

 

 

“Yung trabaho natin, hindi ‘to panghabambuhay. Mawawala at mawawala rin ang kinang mo. Siyempre nandito pa ko kahit papaano, pero para sa mga anak ko. Tapos na ko para sa inyo. Tapos na ko sa ‘yo.”

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Mahigit 5-K na kabahayan napautang ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito

    AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members.     Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-financed mula Enero hanggang Abril 2022.     Binuo ito ng […]

  • SIM Registration Bill, Barangay/SK polls sa Oktubre 2023 niratipikahan ng Kongreso

    NIRATIPIKAHAN  na ng dalawang kapulungan ng kongreso nitong Miyerkules ng gabi ang panukalang pagpapaliban sa December 2022 Barangay at Sangguniang Kabataan elections at idaos sa October 2023.     Maging ang panukalang  mandatory SIM card registration ay naihabol din bago ang kanilang adjournment.     Sinasabing nagkasundo ang House panel at counterpart sa Senate upang […]

  • 800 pamilya nasunugan sa Maynila, inayudahan

    UMAABOT sa 800 pamilya na nabiktima ng sunog kamakailan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Manila City Government.     Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P10,000 cash aid, kasama si Re Fugoso, na siyang pinuno ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).     Ayon kay Lacuna, bagamat […]