Kahit nalungkot sa ‘kawalan ng respeto’: ICE, masaya dahil malaya na ang ‘Dabarkads’ kaya sulong lang
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
SA Instagram post ni Ice Seguerra noong Miyerkules, nagpahayag ito na hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa pamamaalam nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon sa producer ng ‘Eat Bulaga!’ na TAPE Incorporated.
Sa panimula ng Asia’s Acoustic Sensation, “Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?
“Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalulungkot akong umabot sa ganito.”
Pagpapatuloy pa ni Ice tungkol sa kaganapan sa TVJ at EB, “Pero masaya ako dahil malaya na sila. Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya. Hindi rin ako natatakot sa kinabukasan ng programa.
“Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad.
“Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ito nang mas maniningning na bukas.”
Pinusuan naman ang post nina Iza Calzado, Chynna Ortaleza, Vina Morales, Amy Perez, Gladys Guevarra, Jako de Leon, at mga netizen na agree sa naging saloobin ni Ice.
Sa IG post naman ni Maine Mendoza, nagpaalam at nagpasalamat na rin ito, “hanggang sa muli, dabarkads. maraming salamat, @eatbulaga1979.”
Simpleng, ‘Always and forever… @eatbulaga1979″ ang post ni Alden Richards. Kasunod niyang post ang photo nila ni Bossing Vic, kasama ang three hands praying emoji.
Three heartbroken emojis naman ang comment ni Judy Ann Santos, na asawa ng co-host ng EB na si Ryan Agoncillo. Isa rin si Ciara Sotto sa labis na nalungkot, na isa sa mga dating co-host ng Eat Bulaga!
Nagpahayag din ng kanilang kalungkutan sina Regine Velasquez, Mariel Padilla, Shaina Magdayao, Charlene Gonzalez, Sunshine Cruz, Kakai Bautista, Nikki Valdez, Ruffa Gutierrez, Mikee Cojuangco at marami pang celebrities.
Anyway, bago pa mag-May 31, usap-usapan na ang balitang ‘nagkapirmahan’ na raw ang TVJ paglipat nila sa TV5.
Bukod pa sa bali-balitang baka sa NET25 ang susunod niyang tahanan, dahil may kanya kanyang show doon sina Tito, Vic and Joey.
Ayon nga sa solid ‘Dabarkads’, na posibleng ito rin ang maging title ng new noontime show, saan man sila mapunta o mapadpad, susunod at susuportahan nila ang grupo ng TVJ.
(ROHN ROMULO)
-
Nahahawig sa pinagdaanan ni Ysabel: MIGUEL, ‘di makalilimutan ang death scene ni CARLA sa ‘Voltes V: Legacy’
MAGTATAPOS na ang ‘Voltes V: Legacy’ sa September 8. Apat na buwang umere sa GMA ang naturang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes. Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team; sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, […]
-
PBBM, magpapartisipa sa ‘Climate Change Convention’ sa Dubai
NAKATAKDANG lumipad si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Dubai, araw ng Huwebes, para magpartisipa sa 28th Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP28), ilang buwan matapos siyang imbitahin ng United Arab Emirates (UAE) government nito lamang Hunyo ng taong kasalukuyan. Personal kasi na inimbitahan ni […]
-
OCCUPANCY RATE SA MGA OSPITAL AT QUARANTINE FACILITIES SA MAYNILA, BUMABABA
BUMABA ang “occupancy rate” sa quarantine facilities at mga district hospital na pinapatakbo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila matapos na buksan sa publiko ang Manila COVID-19 Field Hospital sa Rizal Park . Batay sa pinakahuling datos ng Manila Health Department (MHD), nasa 24% na lamang ang occupancy rate sa anim na […]