Kahit pareho na silang nagdidirek sa serye: GINA, inaming takot na takot din kay Direk LAURICE
- Published on January 19, 2024
- by @peoplesbalita
THIS time ay artista muli si Gina Alajar at hindi direktor sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ng GMA.
At ang direktor niya sa naturang GMA series ang kapwa niya actress/director na si Laurice Guillen.
Mas kumportable ba o naalangan si Gina kapag ang direktor niya ay kapwa rin niya actress/director tulad ni Laurice?
Lahad ni Gina, “Iba naman ang dynamics nun, pag artista naman ako, artista, and of course naging direktor ko na siya dati sa ‘Salome’, ang tingin ko talaga sa kanya hindi artista, direktor talaga.
“So she’s very superior, you know, takot na takot ako sa kanya because… takot in the sense na kasi meron siyang standards, e. “Like you know, she doesn’t want script on the set, so kailangan bago dumating sa set at mag-blocking, saulo mo na dapat,” pahayag pa ni Gina na gumaganap bilang Carmen.
Samantala, sa ‘Asawa Ng Asawa Ko’ ay mga lead stars sina Jasmine Curtis Smith as Cristy, Rayver Cruz as Jordan, Liezel Lopez as Shaira, Joem Bascon as Leon at Martin del Rosario bilang Jeff.
Napapanood ito tuwing 9:35 pm sa GMA Prime.
***
MABUTI naman at magaling na si Ruru Madrid matapos ma-ospital ng ilang araw dahil sa lagnat at pananakit ng lalamunan.
Nag-post si Ruru ng selfie niya sa set ng ‘Black Rider’ na pinagbibidahan niya at ang litrato kung saan suot niya ang costume ng papel niyang si Elias ay may simpleng caption na “I’m back.”
Matatandaang ilang araw bago ito ay nag-post rin si Ruru ng litrato niya na nakahiga sa hospital bed at binabantayan ng girlfriend niyang si Bianca Umali.
Napapanood ang ‘Black Rider’, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Prime.
May simulcast ito sa digital channel na Pinoy Hits at may delayed telecast naman sa GTV, 9:40 ng gabi.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Pagbili ng submarine, nananatili pa ring bahagi ng plano ng Pinas- PBBM
NANANATILI pa ring bahagi ng plano ng Pilipinas ang pagbili ng submarine matapos ang development ng anti-submarine capabilitie nito. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang pagbili ng submarine ay ” still part of our plan,” sa isang ambush interview sa isinagawang pagdiriwang ng ika-125 taong anibersaryo ng Philippine Navy (PN). […]
-
Pinas, pinag-iisipang sampahan ng kaso ang Tsina, Vietnam dahil sa cyanide fishing
MAAARING magsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China at Vietnam sa gitna ng alegasyon ng cyanide fishing sa Bajo de Masinloc. Sinabi ni National Task Force West Philippine Sea (NTF WPS) spokesperson Jonathan Malaya na sisimulan na ng pamahalaan na imbestigahan ang ulat ng paggamit ng cyanide. Ang resulta ng […]
-
May pantapat na ang TV5 kina Luis at Dingdong: JOHN, first-timer pero swak na swak na host ng ‘SPINGO’
ANG larong Bingo na paborito ng mga Pilipino ay may bagong bihis na nagdadala ng susunod na antas ng paglalaro sa Philippine TV. Sa pamamagitan ng international format, kasama ang first-time game show host na si John Arcilla, ipakikilala ng TV5 ang SPINGO, isang game show na maghahandog ng interactive na karanasan para […]