• May 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit sikat na sikat ng fashion icon: HEART, enjoy pa rin sa simple things tulad ng pagkain ng fast foods

SA kabila ng pagiging glamorous celebrity ni Heart Evangelista, attending one fashion show after another sa abroad, in reality, enjoy pa rin siya doing simple things, tulad nang pagkain sa mga fast food. Nakita nga siya ng ilang Filipino fans, na kasama niya ang mga big stars and her glam team sa Milan Fashion Week, na nag-order ng Filipino fast-food chain na pinost ng kanyang photographer na si Edward Bethelot sa kanyang Instagram. 

 

 

“Yes, it has become a tradition to eat Jollibee at least once during the Milan Fashion Week with all the team.”

 

 

Hindi lamang iyon, minsan nga raw ay nag-order pa si Heart ng Jollibee na pina-serve niya para sa mga fans na nanood din sa Milan Fashion Week.

 

 

Mukhang enjoy si Heart sa sunud-sunod na pagrampa niya sa mga fashion shows abroad, nagtatanong na tuloy ang mga fans niya, kung kailan siya muling gagawa ng TV project sa GMA Network.

 

 

Since  nang huli siyang mag-sign ng contract, wala pa siyang ginagawang bagong project, kaya nami-miss na nila si Heart.

 

 

***

 

ALMOST 13 years na palang nanatili ang film legend na si Nova Villa na gumagawa ng mga projects sa GMA Network, pero ngayon ay nagbalik na siya sa dating home network niya, ang ABS-CBN.

 

 

After 13 years, gagawa muli ng Kapamilya series si Nova, ang “Can’t Buy Me Love” na pangungunahan ng love team nina Donny Pangilinan at Belle Mariano, at idinirek ni Mae Cruz Alviar.

 

 

Ang series  ay magpi-premiere na sa Netflix sa October 13, at mauuna ng 72 hours na mapapanood sa free TV at 24 hours naman bago ito mapanood sa pay TV.

 

 

Sa press conference, nagpasalamat si Nova sa ABS-CBN sa pag-welcome back nila sa kanya.

 

 

“Talaga hong iba ang feeling kasi 36 years ako sa ABS-CBN, nang lumipat ako sa ibang station, pero ngayon nandito akong muli.”

 

 

Nagsimula ang career ni Nova sa sitcom na “Chicks to Chicks” noong 1971 hanggang 1991.  Sinundan ito ng “Home Along Da Riles” with the King of Comedy,” Dolphy from 1992 to 2003.

 

 

Ang naging last project niya noon sa ABS-CBN  ang comedy-drama series na “Kokey at Ako” in 2010 bago siya lumipat to TV5 at nag-stay na sa GMA from 2011 to 2023, na nakasama siya sa mga comedy programs, particularly sa “Pepito Manaloto” with Michael V.  Bale ang last project ni Nova sa GMA ay ang afternoon drama series na “AraBella.”

 

 

Sa “Can’t Buy Me Love,” gaganap si Nova bilang grandmother ng leading man na si Donny.

 

 

Nagpasalamat si Nova sa role na ibinigay sa kanya: “Napakaganda ng role na ibinigay nila sa akin at I’m trying my best talaga na magampanan ko nang mahusay at napakaganda po ng role na ‘yon sapagkat mga bida po ang mga kasama ko at ako ang kanilang lola – typical Filipino lola na nagmamahal sa kanyang mga apo.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Pagganap bilang isang mapanlinlang na pari, pinaghandaan… JOSEF, pinatutunayan na karapat-dapat na maging Vivamax Leading Man

    ISA na namang Vivamax Original Movie mula kay Direk GB Sampedro ang muling maninindak simula ngayong August 5, 2022, ang ‘Purificacion’ na isang sexy thriller.   Pinagbibidahan ito nina Cara Gonzales at Josef Elizalde.   Isa sa Vivamax favorite si Cara, na nakipagsabayan sa pag-arte nina Kylie Verzosa at Zanjoe Marudo sa ‘Ikaw Lang ang […]

  • Mandatory retirement age sa senior workers, giit alisin

    NAIS  ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na tanggalin na ang mandatory age sa pagreretiro ng mga manggagawang senior citizens sa private sector.     Isinusulong ng kan­yang House Bill (HB) 3220 na i-repeal ang compulsory age na 65 anyos na itinatakda sa Labor Code of the Phi­lippines.     Isiningit ni Ordanes […]

  • Kaabang-abang ang pagkanta nilang tatlo: GABBY, kinumpirma na maggi-guest si KC sa concert nila ni SHARON

    KAPUSO Primetime Queen is back with a Tik’Tok dance cover, at suot niya ang paborito niyang signature streetwear with matching cap.  Minsan pa ay ipinakita muli ni Marian ang smooth at effortless dance moves niya tungkol sa latest single ng BTS na “3D (featuring Jack Harlow).”     Caption ni Marian sa kanyang Instagram” “Obsession […]