• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit sinusubukan pang ayusin ang relasyon… Kasal nina BEA at DOMINIC, hindi na mangyayari ngayong taon

MATAPOS ang pagkukuwestiyon sa kanyang sarili ay maligaya na muli si Carla Abellana bilang isang certified Kapuso.

 

 

Kahit naman sinong artista na hindi pa pinapapirma ng bagong kontrata ay mag-aalala kung gusto pa ba ng network ang kayang serbisyo.

 

 

At tulad nga ng naganap, tuloy ang pagiging Kapuso Primetime Goddess ni Carla matapos pumirma kamakailan ng bagong kontrata sa GMA Network.

 

 

Lahad ni Carla, “Relieved siyempre. Given na yung grateful, given na ‘yung happy and excited, pero more of relieved talaga ‘yung pinaka nararamdaman ko at this moment.

 

 

“Dadating talaga sa point na iku-question mo in a way na parang ‘gusto pa ba nila ako? Ire-renew pa ba ako ng GMA?’”

 

 

“’Pag naghihintay ka and of course hangga’t walang signing, walang kontrata, may times na natatanong mo yun, naku-question mo yun so kinakabahan ka rin at some point.”

 

 

Nabigyan na raw siya ng assurance na gusto pa rin ng GMA ang kanyang serbisyo.

 

 

Sinabi rin ng mga boss ng GMA na isang super-busy na 2024 ang magaganp sa career ni Carla, na lalong ikinatuwa ng aktres.

 

 

“Sanay po ako sa busy year, sanay po ako na dire-diretso yung trabaho, and excited na ako kumbaga, umpisahan natin ‘yung busy year,” sabi ni Carla na prized talent rin ng Triple A (All Access To Artist) management ni Mike Tuviera.

 

 

Isang patunay na busy nga si Carla ay matapos ang taping niya para Stolen Life ay lead actress siya sa upcoming ‘Widows’ War’ kasama ang kontrobersyal na si Bea Alonzo.

 

 

***

 

 

SALUDO kami kay Tito Boy Abunda dahil bukod sa siya ang nag-iisang King of Talk ng Pilipinas ay may malasakit rin siya sa mga artista kahit hindi niya alaga o talent.

 

 

Labis ang concern ni Tito Boy sa mga pamba-bash at panghuhusga na resulta ng hiwalayan nina Bea Alonzo at DominIc Roque.

 

 

Umabot na sa punto na nakiusap si Tito Boy sa mga netizen, sa kanyang ‘Fast Talk With Boy Abunda’, na huwag basta husgahan ang dating magkasintahan.

 

 

‘Yung mga mema kasi o may masabi lamang, kundi si Bea ay si Dominic ang itinuturong dahilan ng breakup ng dalawa kahit hindi naman nila alam ang tunay na kuwento.

 

 

Kaya naman lahad ni Tito Boy, “Dito sa kuwentong ito, ipinalalabas na may problema si Bea Alonzo. Kasi naghiwalay sila ni Gerald Anderson, naghiwalay sila ni Zanjoe Marudo. ‘Ay hindi nagtatagal ang kanyang mga relasyon.’

 

 

“To me, napaka-judgmental po nun.

 

 

“Yes, you and I have the right to comment. Yes, we have the freedom of speech. Pero ako I appeal for kindness. What do we really know about this relationship? Do we know the nuances? Alam ba talaga natin ang detalye? Huwag naman.

 

 

“The narrative is not about si Bea ang problema kaya sila naghiwalay. Sa pagkakaalam ko, ito diretsahan, si Bea gustong ma-save ang relasyon na ito. Bea wants this to work,” saad pa ni Tito Boy.

 

 

Hindi rin daw nararapat na alipustain si Dominic.

 

 

“Masakit din pakinggan. ‘Walang pera. Hindi mayaman. Hindi sikat. Hindi karapat-dapat kay Bea.’ Cruel,” lahad pa ni Tito Boy.

 

 

“You have the right to comment, you have the right to share your opinion. Pero sana’y let’s exercise prudence, caution and most important of all, kindness.”

 

 

Pahiwatig pa ng King of Talk na kahit sinusubukan pa nina Bea at Dom na ayusin ang kanilang relasyon ay hindi na ngayong taon mangyayari ang kasal.

 

 

“Kung halimbawa maayos ang dalawang ito. From my sources, sigurado ako, ‘pag nagkaayos sina Bea at Dominic, no wedding is going to happen this year,” wika pa ni Tito Boy.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Top Russian woman tennis player laya na matapos arestuhin sa French Open

    Pansamantalang pinalaya na ang babaeng Russian tennis player na unang inaresto dahil sa iskandalo sa match-fixing noong nakaraang taon sa French Open.     Una nang inaresto si Yana Sizikova, matapos na siya ay maglaro sa Paris kaugnay sa French Open doubles match.     Pinalaya si Yana pero hindi pa kinasuhan habang patuloy pa […]

  • Gilas sasalang sa tuneup vs China

    Sasailalim ang Gilas Pilipinas sa dalawang importanteng tuneup games laban sa powerhouse China bilang bahagi ng paghahanda sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na gaganapin sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 4 sa Belgrade, Serbia.     Mismong si Chinese head coach Du Feng ang nagkumpima na mananatili sa Clark ang kanyang bataan matapos ang kampanya nito […]

  • Pinas, kinondena ang ballistic missiles na inilunsad ng North Korea

    NAKIISA  ang gobyerno ng PIlipinas sa mga member states ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa pagkondena  sa ginawang paglulunsad ng  North Korea intercontinental ballistic missile patungo sa dagat ng Japan.     Ang pahayag na ito ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ay bago ang kanyang naging talumpati sa isinagawang pulong ng  Asia Zero […]