• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit sugatan at duguan: KRISTOFFER, natapos at nag-2nd place pa sa sinalihang triathlon

KAHIT sugatan at duguan, nagawang matapos ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang sinalihan nitong triathlon kamakailan.

Nag-2nd place pa ang aktor sa naturang competition na inakala niyang hindi niya matatapos dahil sa mga natamo niyang aksidente.

May tatlong levels ang triathlon at ito ay swimming, cycling at long distance running.

Makikita sa Instagram post niya na nagkaroon ng malaking sugat sa kanyang tuhod, siko at kamay dahil sa pagsemplang niya sa sinasakyan na bisikleta.

Pero hindi raw iyon nakapanghina ng loob ng aktor dahil nagawa pa rin niyang tumakbo hanggang sa finish line kahit na duguan siya.

Nagpalakas daw ng kanyang loob na tapusin ang karera ay ang kanyang misis na si AC Banzon at ang kanilang na si Pre’ na hindi tumigil na mag-cheer sa kanya hanggang sa makabangon siya at tapusin ang sinalihan na competition.

Heto ang pinost ni Kristoffer: “LORD GRABE KA KANINA! Naka Podium tayo sa first triathlon natin mga Kapuso! 2nd place! Sumemplang pa ko sa bike. Nangyayari talaga aksidente pero grabe yung binigay na strength mo sakin Lord! Natapos ko siya dahil sayo! Grabe support system ko sa asawa at anak ko.

:Thank you mommy @acbanzooon sa pagsupport sakin sa simula pa lang ng nagregister ako hanggang sa race kanina. And kay Prè na grabe magcheer. Ginanahan ako ng malala pag-ahon ko sa dagat nung narinig ko yung sigaw niya. Pati sayo @philii.calii.doe jusko kabado ka rin ramdam ko salamat sa pagtakbo para makuhanan ako. Haha.
“Sa aming team na Core Tri team! first nating race to as a team! Proud ako sa inyo! Grabe yung fit ni @frederick_forwardmotionfits. Kahit sumemplang na and dami na sugat, namamaintain ko yung speed sa bike This race will definitely have a special place in my heart. Ang daming nangyari sa race na to. Congraaats sa lahat ng participants!”

Naging malaking tulong din daw kay Kristoffer ang naging matinding training niya para sa mega teleserye na ‘Mga Lihim ni Urduja.’

***

MAGBABALIK ang Manila Film Festival sa Araw Ng Maynila sa buwan ng June.

Nagkaroon na ng pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) at nagsimila na ang pagtanggap ng entries for original feature film screenplays noong nakaraang February 10.

Bukaas ang naturang film festival sa mga young filmmakers ng bansa. Bukas din ito na magbigay ng grants sa mga students from both private and public schools na magsa-submit ng kanilang entries.

Kabilang sa Committee of Mentors ng TMFF sina Jay Altarejos at Al Tantay. Joven Tan is the chairperson, with Jose Javier Reyes, Joel Lamangan and Pancho Maniquis as members.

Manila Vice Mayor Yul Servo (a.k.a. John Marvin Nieto) at si Mayor Honey Lacuna ang nag-revive ng naturang film festival sa taonbg ito.

“Okay lang ba na magkaroon tayo ng Manila Film Festival? Her answer was ‘Sure.’ Trabahuhin mo.’ This will not be possible without the support of our mayor,” sey ni Vice Mayor Servo.

Ayon pa sa TMFF co-chairpoersin na si Edith Fider: “The vision of the festival is to uplift the film industry and for the event to go global. We want to compete in the international market. We thought about the new filmmakers, new graduates who have fresh ideas. We are still looking for scripts – a total of eight. So far, the schools are responsive. We gave them the preliminary selection.”

“I wanted the young producers who will join to submit films that are out of the box, from new minds, new generation. The festival will screen films on the cinemas, streaming platforms and in schools. We want to support TMFF full blast. Especially the newbies, they need all the support they can get.”

Nagsimula ang Manila Film Festival noong 1966 noong mayor ng Manila si Antonio Villegas. Binalik ito noong 1992, pero muling natigil noong 2003.

Mula sa 300 entries, pipili ang committee ng 20 hanggang maiwan na ang walong official entries na bibigyan ng grants na P300,000 to a maximum of P500,000.

Ang mga entries at dapat ma-highlight ang specific landmark in Manila, tulad ng Rizal Park, Quiapo Church or Binondo.

The premiere night of the TMFF will be on June 14. Screening of official entries will be from June 17 to 24, culminating on the actual Araw ng Maynila celebration on June 24. Awarding of the winners will be announced before the Manila cityhood celebration.

(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Anya Taylor-Joy is ferocious as Furiosa in “Furiosa: A Mad Max Saga”

    “There’s something resolute, highly determined, and ultimately ferocious that’s in her. And that’s seen on the screen,” director George Miller describes watching Anya Taylor-Joy in action as the titular character in Furiosa: A Mad Max Saga, the latest installment in the epic post-apocalyptic Mad Max franchise.       Watch the trailer here: https://youtu.be/1Qt4Z25kdiE   […]

  • The Epic Return! New Poster Unveiled for “Karate Kid: Legends” Starring Jackie Chan, Ben Wang, and Ralph Macchio

    Karate Kid: Legends is back with an exciting new poster! Starring Jackie Chan, Ralph Macchio, and Ben Wang, the latest installment in the iconic series hits Philippine cinemas soon.   About Karate Kid: Legends   The much-anticipated return to the iconic Karate Kid universe is finally here! Introducing Karate Kid: Legends—a cinematic adventure that promises […]

  • BFAR, kailangan ang P450 million budget para sa surveillance vessels sa WPS

    KAILANGAN ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang P450 million sa susunod na taon para bumili ng tatlong monitoring, control, and surveillance (MCS) vessels para tulungan ang mga mangingisda sa West Philippine Sea.     Inihayag ni  BFAR  Director Demosthenes Escoto  ang nasabing halaga sa pagdinig ng  Senate Finance Committee ukol sa panukalang  […]