• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kahit tahimik lang sa mga pamumuna o panlalait: BEA, magiging ipokrita kung sasabihing hindi siya nasasaktan

TAHIMIK lang si Bea Alonzo sa mga ibinabatong pamumuna o panlalait o kritisismo sa kanya.

 

Pero inamin nito sa naging solo presscon niya para sa GMA Telebabad na “Start-Up PH” na magiging ipokrita raw siya kung sasabihin niyang hindi siya nasasaktan.

 

Sabi nga ni Bea, “Siyempre hindi ako magiging ipokrita, sometimes, nasasaktan ako. Kasi, tao lang ako, e.”

 

“Kasi, ‘di ba, sometimes they just say things. Hindi nila naiisip na tao ko. Tao yung pinagsasabihan nila. May emosyon, nasasaktan. “

 

Pero pinipili raw niya ang mga criticism sa kanya. Yung alam niyang makakatulong sa kanya, lalo na kung galing ito sa mga taong alam niyang mahal siya tulad ng mga fan niya.

 

At sa kabila ng lahat, pinaiiral na lang daw palagi ni Bea ang positivity.

 

Sa isang banda, masaya si Bea dahil pagkatapos daw ng sold-out series of shows nila sa U.S. kunsaan, ito nga naman ang unang out-of-the-country shows niya na isa na siyang Kapuso, nagsunod-sunod na daw lahat mga magaganda at positive talaga.

 

Ang ‘Start-Up PH’ na unang serye naman niya sa GMA-7 ay puro magaganda ang reviews at feed back at gayundin ang ratings.

 

At nasampolan na rin ang mga Kapuso viewers ng mga eksena niya with her co-stars like Yasmien Kurdi, Gina Alajar at Alden Richards. Pero sabi nga ni Bea kung para sa kanya, ang dapat abangan daw talaga ay ang magiging revelation.

 

“Ginawa namin ‘yung scene before I left for the States. Excited ako na mapanood niyo ‘yung scene,” sey niya.

 

***

 

IBA talaga si Jake Ejercito dahil hanggang ngayon, naninindigan siya sa kanyang naging choice in-terms of political/leader ng bansa.

 

Hindi man nanalo sa pagka-Presidente ng bansa si Attorney Leni Robredo na siyang inendorso ni Jake, hanggang ngayon, consistent ito sa kanyang choice o stand.

 

Kasabay ng pag-alala sa October 7 kunsaan, nabuo ang pink movement, nag-post din si Jake sa kanyang Twitter account.

 

Nag-post siya ng picture niya na naka-pink suit siya same day last year na may hashtag na, “Ngiting lalaban tayo.” Pero this time, ang bago niyang caption ay, “Lalaban ako. Lalaban tayo.”

 

Binasa namin ang mga comment sa kanya sa Twitter, thinking na baka inuulan siya ng bashers, pero puro positibo naman at nagpapasalamat kay Jake.

 

Ilan sa mga comments, “The true good one.”

 

“Kakaibang Ejercito talaga ‘to.”

 

“Sana manatili kang consistent.”

 

***

 

SIYEMPRE, masaya si Ivana Alawi dahil ang kanyang Facebook page na merong 19 million followers ay active na naman.

 

Pagkatapos nga na magpo-post sa kanyang mga social media accounts kunsaan, nagtataka at nagreklamo na rin kung bakit biglang natanggal ang FB page niya, to think na wala naman daw siyang ginagawang violation, ilang araw after that, muli nang ibinalik ng Facebook ang account niya.

 

Nag-post naman ito at nagsabi na, I’m back!!

Finally naibalik at naayos na ng Meta yung page ko, Working na sila to fix our Ivana Skin page.”

 

At dahil mas nag-ingay pa sa pagkawala ng FB page niya, expect na mas dadami pa ang followers ng Kapamilya sexy actress/Youtuber.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • Christine Hallasgo, Nhea Ann Barcena wow sa half-marathon

    Winalis ng ‘Pinas sa pamamagitan nina 2022 Vietnam SEA Games marathon silver medalist Christine Hallasgo at three-time World Marathon Majors veteran Nhea Ann Barcena ang 1-2 puwesto sa women’s half-marathon ng 10th Ho Chi Minh City International Marathon 2022 nitong Linggo sa Vietnam.     Nagposte si Hallasgo, 30, ngng Malaybalay, Bukidnon, ng isang oras, […]

  • CARLA, natawa sa birong pagod na ikakasal kay TOM sa November pero blooming pa rin

    MABABAGO pala ang date ng church wedding ng mga Kapuso stars na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.      Ang una kasi nilang announcement ay October 23 na magaganap sa Tagaytay Highlands, pero binago na nila this November, 2021.     Medyo mahirap daw na pinagsabay nila ni Tom ang work at ang pagpa-plano […]

  • Mahigpit 40 Filipino, inilikas mula Kyiv, Ukraine; naghihintay na makauwi ng Pinas —DFA

    MAHIGIT sa 40 Filipino ang inilikas mula Kyiv at dinala sa  lungsod ng  Lviv sa Ukraine at naghihintay ngayon na makauwi ng Pilipinas sa gitna ng pagsalakay ng Russia.     Ayon sa tweet ni DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Ysmael Arriola, tinanggap ni Philippine Ambassador to Poland Leah Basinag-Ruiz sa  Lviv […]