Kahit wagi sa prelim bout, Nesthy Petecio, ‘di papakampante sa face off nila ng Chinese-Taipei boxer bukas – coach
- Published on July 27, 2021
- by @peoplesbalita
Nakahanda na ang “Davao pride” na si Nesthy Petecio na makaharap ang world’s number 1 na si Ling Yu Ting mula-Chinese Taipei para sa Women’s Featherweight Category.
Ito’y matapos niyang talunin kahapon si Marcelat Sakobi Matshu ng Democratic Republic of the Congo sa pamamagitan ng unanimous decision o 5-0 na score mula sa judges.
Sa panayam kay Nolito Velasco, head coach ng Philippine Women’s Boxing team, sinabi nito na nagsilbing “warm-up” para kay Petecio ang face off nila ni Matshu.
Nag-review rin daw si Velasco sa mga nakaraang laban nina Lin at ni Petecio para mas maihanda ang Pinay boxer pagdating sa Round of 16 bout nito bukas, Hulyo 26, ganap na alas-12:39 ng tanghali.
Kailangan din aniyang manalo si Petecio sa laban kay Lin para makapasok ito sa quarter finals at magarantiya ang kahit bronze medal para sa Pilipinas.
Ayon pa sa head coach, nagpapasalamat si Petecio sa mga kababayang Pilipino lalo na sa mga Dabawenyo na nagpapakita sa kanya ng suporta.
-
Pagbalik muli ng ‘NCR Plus’ bubble, iminungkahi ng OCTA vs Delta variant
Naniniwala ang OCTA Research Group na ang pagpapatupad muli ng “NCR (National Capital Region) Plus” bubble sa Metro Manila at karatig probinsiya ay malaking tulong para maprotektahan ang mga lugar sa pagkalat ng Delta variant ng Coronavirus Disease 2019. Ito’y habang patuloy na nakabukas ang ekonomiya ng bansa. Una nang nagbabala ang Department […]
-
Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na – LTFRB
Nagsimula nang magkaloob ang pamahalaan ng fuel subsidies na may halagang P1 bilyon para sa may 136,000 driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epektong dulot sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products. Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) […]
-
Ads October 16, 2023