• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai kumpirmado na sa FIBA World Cup Qualifiers

DESIDIDO  ang Sama­hang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makapagbigay ng magandang laban sa FIBA World Cup Asian Qualifiers na idaraos sa Agosto 25 at 29.

 

 

Kinumpirma ng SBP na madadagdagan ang puwersa ng Gilas Pilipinas dahil maglalaro si 7-foot-3 Kai Sotto para sa fourth window ng qualifiers.

 

 

“The Samahang Basketbol ng Pilipinas confirms Kai Sotto is joining the Gilas Pilipinas men’s national team for the FIBA World Cup Window 4 Qualifiers,” ayon sa statement ng SBP.

 

 

Mismong si Sotto ang nagpahayag ng interes na maglaro sa Gilas Pilipinas.

 

 

Nakatakdang dumating ang dating UAAP Juniors MVP sa Agosto 18 upang makasama ang Gilas Pilipinas pool sa preparasyon nito para sa qualifiers.

 

 

“Kai has expressed his eagerness to join his Gilas teammates in preparing for the qualifiers and will arrive in Manila from Australia on Thursday,” nakasaad pa sa statement.

 

 

Nagpasalamat naman ang pamunuan ng SBP sa pagtugon ni Sotto sa pa­nawagang maging bahagi ng Gilas Pilipinas pool.

 

 

“We are glad to have Kai into the Gilas fold and thank him for his proactive response to the call to play for flag and country for the August Qualifiers,” ani SBP executive director/spokesperson Sonny Barriors.

 

 

Makakasama ni Sotto sa pool si NBA star Jordan Clarkson ng Utah Jazz kasama sina Dwight Ramos, Ray Parks Jr., Kiefer at Thirdy Ravena, Carl Tamayo, Francis Lopez at Kevin Quiambao.

 

 

Nakatakda ring duma­ting si Clarkson sa pare-hong petsa sa Agosto 18 upang makadalo sa trai­ning camp ng tropa.

 

 

“Aside from Kai Sotto, the Gilas Pilipinas team will also be beffed up by NBA Utah Jazz star Jordan Clarkson for this FIBA Basketball World Cup 2023 Asian Qualifiers — Window 4,” dagdag pa ng SBP statement.

 

 

Inaasahang madadag­dagan pa ito sa oras na matapos ang semifinal round ng PBA Philippine Cup kung saan huhugot ang SBP ng mga karagdagang players mula sa mga koponang nasibak na sa kontensiyon.

Other News
  • DOTr pinalawig ang free rides sa mga health workers, APORs

    Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang malawakang pagpapatupad ng pagbibigay ng libreng sakay sa lahat ng health workers at authorized persons outside of residence (APORs).     Inutusan ni Tugade ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na palawakin ang programa hindi lamang sa Metro Manila kung hindi pati na […]

  • Investment hub ng Pilipinas matagumpay na naibida sa 2023 World Economic Forum

    MATAGUMPAY na naiparating ng Pilipinas sa World Economic Forum na bukas ang ating bansa sa mga negosyo.     Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, naibida ng Philippine delagation sa World Economic Forum attendees ang pagiging premier investment hub ng Pilipinas.     Punto ni Speaker Romualdez na maraming multinational company na ang nagpa-planong magtayo […]

  • Saso ibabalik ang bangis

    NAWALA SA ang pamatay na porma ni Yuka Saso kaya nagdaang limang torneo’y isang top 10 lang ang pinakamataas na tinapos sa 12 th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2020, magbuhat nang makadalawang sunod tagumpay sa mayamang paligsahan sa kontinente.   Desidido ang 19-anyos na Fil-Japanese na tubong sa San Ildefonso, Bulacan […]