Kai Sotto bigo sa kanyang debut game para sa Adelaide
- Published on December 21, 2021
- by @peoplesbalita
Sumalang na si Kai Sotto sa wakas para sa Adelaide ngunit kabiguan ang bumulaga sa Pinoy sensation matapos makalasap ng 67-93 pagkatalo ang 36ers sa Cairns Taipans sa 2021-22 NBL season kahapon sa Cairns Convention Centre.
Maalat ang performance ng 7-foot-3 na si Sotto na nagtala lamang ng 1 point, 3 rebounds, 2 assists at 2 blocks sa loob ng siyam na minuto at 50 segundo para sa kanyang unang professional game sa Australia.
Hindi nakalaro ang Pinoy cager sa unang apat na laban ng 36ers sa regular season dahil sa kanyang knee injury.
Nalasap ng Adelaide ang kanilang ikatlong kabiguan sa limang laro sa NBL.
Magkakaroon ang 36ers ng 10-day break bago sagupain ang Perth Wildcats sa Disyembre 28 sa Adelaide Entertainment Centre para sa unang home game ni Sotto.
Iniwanan ng Cairns ang Adelaide sa 31-20 hanggang itarak ang 40-point lead, 89-49, patungo sa kanilang pangalawang panalo sa tatlong laban.
Pinamunuan ni Dusty Hannahs ang 36ers sa kanyang 20 points, 2 rebounds at 2 assists, habang may tig-12 markers sina Daniel Johnson at Isaac Humphries.
Naglista naman si Majok Deng ng 23 points at 7 boards para sa Taipants at nagdagdag si Stephen Zimmerman ng 18 points, 9 rebounds at 4 assists.
-
DOTr: 61.60% completed ang LRT 1 Cavite Extension
PINAGBIGAY alam ng Department of Transportation (DOTr) na may 61.60 % overall ng kumpleto ang pagtatayo ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension. Natapos na ang paglalagay at pagtatayo ng viaduct para sa Phase 1 ng LRT 1 Cavite Extension na siyang magpapatunay na malapit ng mangyari ang pagsasakatuparan ng pangarap para […]
-
VAW, hadlang sa economic dev’t -DBM
SINABI ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na ang violence against women (VAW) ay isang “significant impediment” sa socioeconomic development. Ipinalabas ni Pangandaman ang kalatas kasabay ng paggunita sa 18-Day Campaign to End Violence Against Women. “As a staunch advocate of women empowerment, gender equality and children’s rights, I stand firm in my […]
-
NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco
NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 21 na mga estudyante at kanilang mga magulang ang memorandum of agreement para sa NavotaAs Ulirang Pamilyang Mangingisda at Art Scholarship para sa school year 2023-2024. Kabilang sa batch na ito ang anim na Fisherfolk scholars at 15 Art scholars. (Richard Mesa)