• December 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kai Sotto hindi na isinama ng Gilas Pilipinas sa kanilang laban sa 2022 FIBA Asia Cup

HINDI na isinama ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para sa 2022 FIBA Asia Cup na gaganapin sa Indonesia.

 

 

Ayon kay Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) program director Chot Reyes, na makailiang beses na silang nakipag-ugnayan sa kaniyang handler sa East West Private subalit wala silang natatanggap na anumang kasagutan.

 

 

Dahil aniya sa nalalapit na ang nabanggit na torneo ay minabuti nilang hindi na isama sa listahan ang 7 foot 3 na manlalaro.

 

 

Malaki ang paniniwala ni Reyes na posibleng abala na rin si Sotto para NBA dream nito.

 

 

Hindi naman aniya nila isinasara ang posibilidad na maisama ang 20-anyos na si Sotto.

 

 

Gaganapin ang 2022 FIBA Asia Cup sa darating na Hulyo 12 hanggang 24.

Other News
  • QC LGU, nagpaalala sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus

    NAGPAALALA ang Quezon City Local Government sa mga mamamayan sa lungsod laban sa influenza-like illness o flu virus.     Ito ay kasunod ng ginagawang pagbabantay ng Department of Health sa posibleng pagtaas ng mga kaso ng influenza-like illness matapos i-anunsyo ng PAGASA ang pagpasok ng amihan sa bansa.   Ayon sa QC LGU, ang […]

  • Malakanyang sa publiko, maging maingat

    PINAALALAHANAN ng Malakanyang ang publiko na maging vigilante at maingat  laban sa  monkeypox.     “Ang bawat isa ay pinapaalalahanang maging maingat at mapagmatyag sa sakit na monkeypox,” ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa kanyang Facebook post.     Ang pahayag na ito ni Cruz-Angeles ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) […]

  • China, nakikipag-ugnayan at tulungan sa mga ahensiya ng PIlipinas na iniimbestigahan ang 2 tsino na nahulihan ng baril

    PATULOY na nakikipag-ugnayan ang Chinese Embassy sa Pilipinas sa  Philippine enforcement agencies kaugnay sa kamakailan lamang na pag-aresto sa  dalawang Chinese national na nahulihan ng baril sa isang subdivision  sa Pasig City.  Pinabulaanan naman  ni Chinese Ambassador Huang Xilian na naglagay ang China ng clandestine forces sa Pilipinas at ang mga suspek ay kabilang sa […]