KAILANGAN ang MALINAW na POLISIYA sa PAGSUOT ng FACE SHIELD sa PUBLIC TRANSPORT!
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ordinansa ng mga LGU na nagmumulta o nagpapataw ng parusa sa walang faceshield. Kailangan ba?
Nabuksan ulit ang issue ng mandatory na pagsusuot ng faceshield nang mag-viral ang panghuhuli ng ilang enforcers sa mga pasahero ng bus kung saan ay pinababa ang mga pasahero at minultahan ang mga ito base sa isang ordinansa.
Nagpahayag naman ng saloobin si Yorme Isko ng Maynila na Pilipinas na lamang ang bansang nagre-require ng pagsuot ng faceshield. Nagpahayag din ang ilang Senador na suriin ulit ang polisiyang ito tungkol sa face shield. At ayon nga kay Senate Pres. Tito Sotto ay nagpahayag si Pres. Duterte na dapat sa mga ospital lamang sinusuot ang face shield at mga quarantine facilities.
Bakit ba nag-require ng pagsuot ng faceshield? Nagumpisa ito last year nang nagpalabas ng direktiba ang DOTR na bawal makasakay sa public transport ang mga pasahero na walang suot na faceshield.
Sinundan ito ng ilang LGU na nag-require naman ng pagsuot ng faceshield sa mga pampublikong lugar at huhulihin ang mga lalabag.
Sa ngayon ay dapat linawin kaagad ang polisiya tungkol sa pagsusuot ng faceshield matapos ang pahayag ng Pangulo, lalo na sa public transport. Maari na bang sumakay ng pampublikong sasakyan ang walang faceshield basta may facemask na suot?
Sa mga LGU naman na may ordinansa tungkol sa pagsuot ng face shield ay kailangan i-review na nilang mabuti ito at tanggalin ang pagmumulta sa mga hindi naka faceshield dahil mismong DOH at DILG na ang nagsasabi na hindi pwedeng may parusa dito dahil ADDED PROTECTION LANG ANG FACE SHIELD.
Ayon sa mga eksperto kapag naka facemask ka at may social distancing ay 91 percent ka nang protektado. Pag may faceshield ay 96 per cent. So bakit mo mumultahan yung protektado na ng 91 percent.
Kung baga sa batas trapiko kung red light na dapat ay nakahinto na sasakyan mo pero ire-require pa ba na dapat patay ang makina mo para added proteksyon na?
Nakikita rin natin na malimit nakataas ang faceshield na parang nagiging visor. Pero hinuhuli pa rin ito dahil improper wearing of face shield daw. Ang ordinansa nga ng QC ay nakalagay pa na “AT ALL TIMES” suot dapat!
Nais ng lahat na protektado tayo laban sa covid 19. Pero ipatupad lang yung TUNAY NA KAILANGAN NA HEALTH PROTOCOLS para sa kaligtasan ng lahat. Kapag kasi naging OA ay nasususpetsahan na ito ng korapsyon. Sa ibang LGU ay Ini-encourage ang mga tao na mag face shield for added protection. Walang multa, walang parusa, walang pagbabawal pumasok sa mga establishmento. Hihintayin natin ang bagong polisiya tungkol sa face shield at sana ay mas maging praktikal at makatotohanan ito. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Na-miss ang aso nang ma-confine: CARLA, muntik nang magka-sepsis dahil sa kidney stones
SA wakas ay natapos na ang misteryo sa pagkaka-ospital ng ‘Widows’ War’ actress na si Carla Abellana nitong Agosto. Ikinuwento ni Carla sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel (sa 24 Oras) na tatlong araw siyang namalagi sa ospital. Lahad ni Carla, “Doon ko nalaman na may complications na pala; kidney stones, UTI, […]
-
MISIS TODAS, MISTER KRITIKAL SA ISUZU WING VAN
NASAWI ang isang misis habang nasa kritikal naman na kalagayan ang kanyang mister matapos ng isang Isuzu aluminum wing van salpukin ang kanilang sinasakyang bisikleta sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Si Warlita Samano, nasa hustong gulang at residente ng 74 Orchids St. Brgy. Longos, Malabon City ay died on the spot sanhi […]
-
Ads June 15, 2022