• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kakaiba at very special ang role sa ‘Pamilya Sagrado’: SHAINA, happy na kasama ang mga respetado at magagaling na artista

GABI-GABI na nating napapanood sa TV5 ang “Pamilya Sagrado” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual kasama sina Kyle Echarri, Grae Fernandez, Mylene Dizon, Rosanna Roces, Aiko Melendez, Tirso Cruz III, Joel Torre, John Arcilla at Shaina Magdayao.
Kakaiba sa mga dating role ang ginampanan dito ni Shaina bilang Grace Malonzo.
“It’s very special. It is a privilege to share a frame with some of the industry’s greats na very respected. Mahihiya ka na hindi maging professional.
“Hindi lang ‘yung mga bago ‘yung natututo at nai-inspire kundi pati ‘yung mga ate sa industriya katulad ko. Nakaka-inspire to work kasi lahat pinaghahandaan ‘yung script.
“‘Pag matagal ka na sa industriya, medyo marami ka nang roles na nagawa. But it’s the collaboration. That is what makes it unique.
“First time na nagkasama-sama kami lahat dito which is why this show is very special and the best,” pagmamalaki pa ni Shaina sa role niya sa serye.
Ayon kay Shaina sina Joel at Kyle daw ang madalas na kaeksena niya sa serye.
Naging madali na para sa aktres ang trabaho dahil nakasama na sa magkaibang proyekto noon ang dalawang aktor.
“Usually, nagsisimula tayo ng isang trabaho ini-effort mo talaga na magkaroon kayo ng chemistry, mas lalo na kapag pamilya. Nakatrabaho ko na si Kyle before, so nagkaroon na kami ng bond noon, as well as Tito Joel.
“So, it was effortless. ‘Yon ‘yung magic, ‘yung chemistry na hinahanap nila.
“I’m very fortunate na hindi ko kailangang trabahuhin talaga, organic na lang. They’re all very generous characters. Kapag nasa harap kami ng camera hindi mahirap magbigay. Kasi sobrang generous nila magbigay as co-actors,“ sambit pa ni Shaina.
Habang kinukunan daw ang mga eksena ay hindi naman siya nahirapan.
“It was very heartwarming,” banggit pa rin ng magaling na aktres.
(JIMI C. ESCALA) 
Other News
  • P150 milyong COVID-19 test kits nasamsam, Chinese national huli

    NAKUMPISKA ang tinatayang 150 milyong halaga ng mga pekeng COVID-19 antigen test kits, LianHua Chinese medicines, counterfeit face masks, at copyright-infringed branded goods sa isang bodega sa Maynila na pag-aari ng isang Chinese national matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa pangunguna ng Bureau of Customs (BOC) kamakailan.     Ang operasyon ay kasunod […]

  • Sa pagbabalik-primetime sa kani-kanilang teleserye: Sang’gre na si SANYA, KYLIE at GABBI, binigyang-pugay ng GMA

    NGAYONG Saturday, June 11 na ang pagbabalik ng original cast ng GMA comedy show sa “Pepito Manaloto: Tuloy Ang Kuwento.”     Ang number one successful comedy show ay nagsimula noong March, 2010, at nagkaroon ng ilang relaunch, until nang magkaroon tayo ng pandemic ay iginawa ito ng prequel, ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento, […]

  • 249-K doses ng Moderna COVID-19 vaccines dumating na sa bansa

    Dumating na sa bansa ang 249,600 doses ng Moderna COVID-19 vaccines.     Dakong alas-11 ng gabi ng Hunyo 27 ng lumapag ang eroplanong pinaglagyan ng nasabing bakuna sa terminal 3 ng Ninoy Aquino International Airport at sinalubong ni vaccine czar Carlito Galvez ang mga bakuna.   Ayon sa National Task Force Against COVID-19 na […]