• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kakulangan sa hospital beds para sa mga Covid -19 patients, hindi problema- PDu30

PINALUTANG ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang posibilidad na i-take over ng mga awtoridad ang mga hotel sa bansa para tugunan ang kakulangan ng hospital beds para sa mga covid 19 patients.

 

Sinabi ng Pangulo sa kanyang Talk To the People, Huwebes ng gabi na maaari naman niyang kagyat na ipag-utos sa sa military at kapulisan na i-take over ang operasyon ng mga hotel subalit hindi aniya ito remedyo sa isang democratic state.

 

“I can order the authorities to take over the operations of hotels kung wala na talagang mga kama. Madali iyan. Hindi talaga problema yan,” ani Pangulong Duterte.

 

“When we are pushed to the wall even by the microbe itself or external, internal, I can always order the military and the police to go there and confiscate the operations of hotels. And even the medicines, I can go to wherever warehouse. But that is not really what you would call a remedy in a democratic state,” dagdag na pahayag nito.

 

Matatandaang hiniling ng Philippine College of Physicians sa gobyerno na gawing isolation unit para sa mga COVID-19 patient ang mga hotel dahil sa pagdami ng mga pasyente sa mga ospital.

 

Sa ulat, sinasabing fully booked na ang lahat ng hotel sa Metro Manila na kaakibat ng Philippine Hotel Owners Association (PHOA) at hindi na maaaring gawing isolation facility.

 

Sinabi ni PHOA president Arthur Lopez na ang 300 nilang hotel ay ginawa nang pansamantalang quarantine facility para sa mga umuwing OFW.

 

“Right now, all the hotels in the NCR are fully booked. Why do I say fully booked? Because OWWA has taken over these hotels for the OFWs that are returning back to the country. Wala na kaming maibigay na ibang hotel para gawing isolation facilities,” aniya. (Daris Jose)

Other News
  • SHARON, balik na sa pagiging hurado sa ‘YFSF’ kasama sina GARY at OGIE; wish ng fans na maipalabas din sa TV5

    TIYAK na happy ang mga fans ni Megastar Sharon Cuneta dahil malapit na nila muling mapanood ang kanilang idol sa telebisyon.     Kasali na muli si Sharon bilang judge ng Your Face Sounds Familiar na malapit na muling mag-taping after conducting auditions.     Isa ang Your Face Sounds Familiar sa mga paboritong programa […]

  • Ads March 1, 2021

  • PBBM, binalaan ang mga smuggler at hoarder

    BILANG na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.”  Ito ang binitiwang pangako ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. Iginiit nito na hahabulin at ihahabla ng gobyerno ang mga agricultural smugglers at hoarders. Para sa Pangulo, mga manloloko […]