Kakulangan sa pagkain, presyo ng bilihin inaasahang tutugunan ni PBBM
- Published on July 23, 2022
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na ilalatag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang solusyon para magkaroon ng sapat na pagkain at masawata ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Lunes, Hulyo 25.
Ayon kay House tax panel chairman, Albay Rep. Joey Salceda, ang pangako ni Marcos na posible ang P20 kada kilo ng bigas ay isang malaking pangako na dapat tugunan.
Aniya, tanging si Marcos lamang sa hanay ng mga kandidato sa pagkapangulo ang nagtakda ng mga aspirational goals at grand national ambitions katulad ng P20 kada kilo ng bigas.
“Among presidential candidates, only President Marcos has set aspirational goals and grand national ambitions …P20 per kilo of rice as possible…it is an aspirational goal and very difficult to achieve, but this objective, coupled with the President’s decision to be Agriculture secretary, shows how seriously the new President treats food security issues,” ani Salceda.
Sinabi rin ng solon na malamang na tututukan ni Marcos ang tatlong pangunahing areas sa agrikultura, mas maraming ani, mas mababang gastos sa input, mas direktang paghahatid sa mga end-user upang bawasan ang mga presyo ng consumer ng pagkain at modernisasyon ng mga value chain at logistica para sa agrikultura. (Daris Jose)
-
NILAGDAAN ni Mayor John Rey Tiangco, kasama ang 15 mga estudyante at kanilang mga magulang ang isang memorandum of agreement, na nagbibigay ng scholarship sa mga mahuhusay na kabataang Navoteño na nagpakita ng kakaibang kakayahan sa sining. Sila ang pinakabagong mga benepisyaryo ng NavotaAs Arts Scholarship Program para sa school year 2024-2025 na […]
-
PH-US bilateral defense guidelines tugon sa mga hamon na ating kinakaharap – PBBM
TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa. Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na […]
-
Ads October 23, 2024