• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalahating trilyong piso para sa climate change mitigation

NAGLAAN ang pamahalaan ng P500 bilyong para sa mga proyektong gagawin nito na may kinalaman sa climate change mitigation.

 

 

Sinabi ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman, na bahagi ito ng 2023 national budget at gagamitin sa mga proyektong ilalatag ng gobyerno para  mabawasan ang masamang epekto ng pagbabago ng panahon.

 

 

Batay sa mga ikakasang proyekto ng gobyerno na may kinalaman sa climate change ay ang mga hakbang para mapigilan ang deforestration, gagawing pag-aalaga sa mga watershed at protected areas, pagsasagawa ng pagsisiyasat o research para sa climate change adaptation gayundin ng mga pagsasanay hinggil sa  community-based climate change adaptation at disaster risk reduction.

 

 

Magugunitang,  sa naging budget message noon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi nito na dapat na magkaroon ng climate change expenditures na tutuon sa food security, water sufficiency, ecosystem and environmental stability gayundin sa human security at  climate smart industries and services.

 

 

Ang nasabing P500 bilyong piso na budget para sa climate change ay portion ng P5. 268 trillion national budget para sa fiscal year 2023 na mas mataas ng 4.9% sa 2022 budget. (Daris Jose)

Other News
  • Higit P.4M droga, baril nasabat sa 4 drug suspects sa Caloocan drug bust

    NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.4 milyong halaga ng droga at isang baril sa apat drug suspects, kabilang ang isang itinuturing na high value individual (HVI) matapos matimbog sa magkahiwalay na buy bust buy bust operation sa Caloocan City.     Ani District Drug Enforcement Unit (DEU) ng Northern Police District (NPD) chief P/Major Jeraldson […]

  • Dating pulis na nasangkot sa viral video ng pananakit at panunutok ng baril dapat na sampahan ng kaso -Abalos

    KUMBINSIDO  si Interior Secretary Benhur Abalos na dapat na sampahan ng kasong kriminal ang dating pulis na nasangkot sa viral video nang pananakit at panunutok pa ng baril nito laban sa isang siklista.     Ang katwiran ng Kalihim, hindi dapat na kinukunsinti ang  “culture of impunity” sa bansa.     “For the sake of […]

  • Face mask sa indoor areas, boluntaryo na

    BOLUNTARYO na lang ang pagsusuot ng face mask sa mga indoor areas.     Inihayag ito ni Tourism Secretary Christina Fras­co matapos ang ipinatawag na Cabinet meeting ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan tinalakay ang mga gaga­wing pagluluwag sa pagsusuot ng face mask sa mga indoor space.     Sinabi ni Frasco na maglalabas […]