Kalbaryo ni Pemberton, hindi pa tapos-Sec. Roque
- Published on September 16, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI pa tapos ang kalbaryo ni American serviceman Marine Joseph Scott Pemberton kahit nakauwi na ito sa Estados Unidos.
Si Pemberton ay nauna nang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng absolute pardon makaraang mahatulang guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 sa Olongapo City.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mahaharap pa kasi si Pemberton sa court martial proceedings sa Estados Unidos.
Ani Sec. Roque, ito ang pangako ng mga US authorities sa isinagawang pre-trial sa kaso laban kay Pemberton.
“Pag-uwi raw po ni Pemberton tuloy pa rin ‘yung kanyang court martial proceedings at doon po malalaman kung meron pang additional na parusang ipapataw sa kanya at ‘yung kanyang qualification to remain in service,” ayon kay Sec. Roque, dating abogado ng pamilya Laude.
Ang pagsisiwalat na ito ni Sec. Roque ay bahagi ng kanyang adbokasiya na makapagpalaganap ng impormasyon hinggil sa mga bagay na makaaapekto sa public interest.
Sa ulat, nakalaya at na-deport na ang convicted killer na si Pemberton.
Nakaalis si Pemberton ng bansa Linggo ng umaga, Setyembre 13 sakay ng Hercules Military C-130 aircraft papuntang Kadena Air Base Okinawa, Japan na isang US Air Force Base.
Mula Japan ay babiyahe si Pemberton papuntang Estados Unidos sa pamamagitan ng isang commercial flight.
Naging mahigpit naman ang seguridad sa paglaya at pag-alis ng sundalo sa bansa: ipinagbabawal ang media maliban sa state broadcaster na PTV, at may mga nakabantay pang sundalo sa daanan ng convoy ni Pemberton.
Sinamahan si Pemberton ng mga tauhan ng U.S. Embassy papunta sa Ninoy Aquino International Airport, kung saan sinundo siya ng U.S. military pabalik ng Amerika.
Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, habambuhay nang blacklisted si Pemberton, at ituturing siyang undesirable alien at banta sa mga Pilipino. (Daris Jose)
-
4 LANG NA DAYUHAN INISYUHAN NG EXECUTIVE CLEMENCY
APAT lamang ang dayuhan sa may 139 pinagkalooban ng executive clemencies ni Pangulong Rodrugo Duterte sa panahon ng kanyang termino. Ang pahayag ay ginawa ni Jutice Secretary Menardo Guevarra matapos na batikusin ,ang ginawa niyang pagbibigay ng pardon sa Amerikang sundalo na si Joseph Scott Pemberton na nakapatay sa transgender na si Jennifer Laude […]
-
Diplomatic relations, naiisip na paraan ng gobyerno para makakuha ng AstraZeneca na gagamitin sa pagbibigay ng ikalawang dose para sa mga una ng naturukan nito
GAGAMITIN ng gobyerno ang diplomatic relation para makakuha ng AstraZeneca vaccine. Ito’y upang masiguro na hindi mabibitin sa pagtuturok ng ikalawang dose ang mga naturukan ng AstraZeneca sa harap ng umano’y pagkakaantala sa pagdating ng mga bakuna mula sa COVAX Facility. Ayon kay Chief Implementer at Vaccine czar Secretary Carlito Galvez, may problema […]
-
Matapos na aminin ni GERALD ang kanilang relasyon: JULIA, ipinagsigawan na kung gaano kamahal at proud sa bf
AFTER na aminin ni Gerald Anderson ang relasyon nila ni Julia Barretto sa exclusive interview ni Kuya Boy Abunda, marami nga ang naghihintay sa ipo-post ng anak nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Noong Linggo, March 7, birthday ni Gerald, ang masasabing first public appearance nila kung saan namigay sila ng ayuda sa […]