• April 17, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kalbaryo ni Pemberton, hindi pa tapos-Sec. Roque

HINDI pa  tapos ang kalbaryo ni American serviceman Marine Joseph Scott Pemberton kahit nakauwi na ito sa Estados Unidos.

 

Si Pemberton ay nauna nang pinagkalooban ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng absolute pardon makaraang mahatulang guilty sa pagpatay kay Jennifer Laude noong 2014 sa Olongapo City.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, mahaharap pa kasi si Pemberton sa court martial proceedings sa Estados Unidos.

 

Ani Sec. Roque, ito ang pangako ng mga US authorities sa isinagawang  pre-trial sa kaso laban kay  Pemberton.

 

“Pag-uwi raw po ni Pemberton tuloy pa rin ‘yung kanyang court martial proceedings at doon po malalaman kung meron pang additional na parusang ipapataw sa kanya at ‘yung kanyang qualification to remain in service,” ayon kay Sec. Roque, dating abogado ng pamilya Laude.

 

Ang pagsisiwalat na ito ni Sec. Roque ay bahagi ng kanyang adbokasiya na makapagpalaganap ng impormasyon hinggil sa mga bagay na makaaapekto sa public interest.

 

Sa ulat, nakalaya at na-deport na ang convicted killer na si Pemberton.

 

Nakaalis si Pemberton ng bansa Linggo ng umaga, Setyembre 13 sakay ng Hercules Military C-130 aircraft papuntang Kadena Air Base Okinawa, Japan na isang US Air Force Base.

 

Mula Japan ay babiyahe si Pemberton papuntang Estados Unidos sa pamamagitan ng isang commercial flight.

 

Naging mahigpit naman ang seguridad sa paglaya at pag-alis ng sundalo sa bansa: ipinagbabawal ang media maliban sa state broadcaster na PTV, at may mga nakabantay pang sundalo sa daanan ng convoy ni Pemberton.

 

Sinamahan si Pemberton ng mga tauhan ng U.S. Embassy papunta sa Ninoy Aquino International Airport, kung saan sinundo siya ng U.S. military pabalik ng Amerika.

 

Ayon kay Bureau of Immigration Spokesperson Dana Sandoval, habambuhay nang blacklisted si Pemberton, at ituturing siyang undesirable alien at banta sa mga Pilipino. (Daris Jose)

Other News
  • ‘May batas po’: Maynila walang kukunsintihin sa smuggled COVID-19 vaccine use

    Kahit kaliwa’t kanan na ang mga matataas na opisyal ng gobyernong ipinagtatanggol ang paggamit ng hindi rehistradong mga bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19), nanindigan ang pamahalaang lungsod ng Maynila kinakailangan ang otorisasyon ng Food and Drug Administration (FDA) bago ito iturok ninuman.     “Bawal na bawal yan. Walang presidente, walang mayor, walang senador […]

  • 44 close contacts ng Omicron subvariant, natukoy

    UMABOT  na sa 44 indibidwal ang natukoy na ‘close-contacts’ ng unang Omicron BA.2.12 case na isang babaeng Finnish na bumisita sa Baguio City, ayon sa Department of Health (DOH).     Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na agad silang nagkasa ng ‘contact-tracing’ makaraang matukoy ang naturang kaso ng Omicron variant.     Dito […]

  • NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.

    NAIS Ni Philippine Weightlifting Association o PWA president Monico Puentevella na kanselahin ang eleksiyon ng Philippine Olympic Committee o POC sa Nobyembre 27 dahil sa ilang isyu sa pribadong organisasyon.   Pero agad siyang binutata ni imcumbent president Abraham Tolentino na isa dalawang tatakbo ng una niyang buong termino sa apat na taon.   “Monico […]