Kalye sa Navotas isinailalim sa 2-linggong lockdown
- Published on December 10, 2020
- by @peoplesbalita
Isinailalim sa dalawang linggong lockdown ang Block 31, Lot 36, Brgy. NBBS, Dagat-dagatan sa Navotas City mula 5 December, 5:01am, hanggang 19 December, 11:59pm alinsunod sa Executive Order No. TMT-056, series of 2020.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, sa isinagawang contact tracing at house-to-house survey, napag-alaman nila na may apat na nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing lugar at 16 na persons under investigation. Dahil dito, kailangan aniya ng lockdown para maiwasan natin ang pagkalat pa ng virus.
Sinabi pa ni Tiangco, lahat ng mga residente sa Block 31, Lot 36 ay dapat manatili sa bahay at sumailalim sa swab test. Magsasagawa rin ng targeted testing sa mga residente na nakatira malapit sa compound.
Sinumang magpositibo ay dadalhin agad sa Community Isolation Facility habang bibigyan naman ng relief packs ang mga miyembro ng kanilang pamilya na maiiwan sa bahay.
Samantala, ang mga may trabaho o negosyo (essential worker) na exempted ng IATF ay makakapasok lamang sa trabaho kapag nagnegatibo na sila sa swab test, at may dala silang valid company ID o certificate of employment.
Paalala ni Mayor Tiangco, kailangan nakasuot ng mask na natatakpan ang ilong at bibig kapag papasok sa trabaho, sumusunod sa 1-2 metrong social distancing, hindi namamalagi sa matataong lugar, at palaging naghuhugas o nag-aalkohol ng mga kamay.
“Hindi po natin gusto ang lockdown; mahirap ito para sa ating lahat. Ngunit kailangan po ito para sa ikabubuti ng bawat isa. Hinihingi po namin ang iyong lubos na suporta at kooperasyon. Pakikiisa ang tatapos sa pandemya”, pahayag ni Mayor Toby. (Richard Mesa)
-
Bukod tangi sa NCR, Navotas kinilala ng COA
NAKAMIT ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa ikalimang sunod na taon ang pinakamataas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA) matapos bigyan ng ahensya ng “unmodified opinion” ang presentasyon ng lungsod ng 2019 financial statements nito. Namummukod-tangi ang Navotas na lokal na pamahalaang nakagawa nito sa Kalakhang Maynila. Labis naman itong […]
-
Ads January 3, 2020
-
Hiring ng mga aplikanteng bakunado laban sa COVID-19, hindi diskriminasyon-Galvez
“Public interest is higher than personal interest,” Ito ang naging pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa nagsasabing isang malinaw na diskriminasyon ang pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa Covid- 19. Ipinanukala kasi ng pribadong […]