Kamara inatasan ang PNP na arestuhin si Quiboloy matapos ma- cite-for-contempt
- Published on March 14, 2024
- by @peoplesbalita
INATASAN na ng House of Representatives ang Philippine National Police (PNP) na arestuhin si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy matapos i-cite-for-contempt ang embattled religious leader dahil sa hindi pa rin pagsipot nito sa imbitasyon ng Committee on Legislative Franchises.
Unanimous ang naging boto ng mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises na icite-for-contempt si Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy dahil sa hindi nito pagsipot sa pangatlong pagkakataon na inimbitahan ng Komite.
Si Vice Chairperson at Surigao del Rep. Johnny Pimentel ang naghain ng mosyon para icite-for-contempt ang embattled religious leader na sinigenduhan ni Deputy Speaker Jay-Jay Suarez.
Noong Pebrero naglabas ng subpoena ang kamara na pirmado ni Speaker Martin Romualdez at House Secretary General Reginald Velasco laban kay Quiboloy.
Bago ito, iginiit ni Topacio na mayroon silang “legal justification” na nakasaad sa liham na ipinadala sa House panel na apat na taon nang walang kinalaman sa operasyon ng Sonshine Media Network International o SMNI si Quiboloy.
Hindi rin umano sila umiiwas sa subpoena dahil sa katunayan ay nagpadala pa si Quiboloy ng tatlong indibidwal na makasasagot sa lahat ng tanong ng mga kongresista sa pangunguna ng Executive Pastor na si Marlon Acobo. (Daris Jose)
-
Forever grateful dahil maraming magagandang nangyari: KIM, pinupuri ng netizens dahil sinama pa rin si XIAN sa ‘2023 recap’
SA pagsisimula ng bagong taon, nag-post si Kim Chiu sa kanyang Instagram account ng positibong mensahe. Kalakip nito ang series of photos, at kasama rin ang mga close friends na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban, na naka-tag din sa naturang post. May caption ito ng, “DAY 1 of 2024! “Start of […]
-
Bakuna sa COVID-19 na galing US at Europa, nakakuha ng pinakamataas na confidence rate
TINATAYANG 75% ang nagsasabing kumpiyansa sila sa bakunang manggagaling sa United States at Europa. Ito ang naging pahayag ni dating DOH secretary at health expert na si Dra. Esperanza Cabral batay na rin sa survey na isinagawa ng UST COVAX Research Group. Batay sa inilahad ni Esperanza na survey, lumalabas na wala pa […]
-
Hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City
SA ginanap na Sustainable Management and Administration of Local Government through Reengineering and Use of Technology for Barangay Newly Elected Officials (SMART BNEO) Program 2023, hinamon ni Mayor John Rey Tiangco ang mga pinuno ng barangay sa Navotas City na laging hangarin ang kahusayan sa kanilang paglilingkod sa kanilang mga nasasakupan at lampasan pa ang inaasahan. (Richard […]