• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara iraratsada debate sa P6.352 trilyong budget

INUMPISAHAN na nitong Lunes sa plenaryo ng Kamara ang pagtalakay sa P6.352 trilyong national budget para sa 2025.

 

Ayon kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez na ang pondo ay sumusuporta sa Agenda for Prosperity at Bagong Pilipinas programs ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

Pinasalamatan ni Romualdez sina House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co at Senior Vice Chairperson at Marikina City Rep. Stella Quimbo sa pagtapos ng panukalang badyet sa itinakdang oras.

 

Matapos ang sponsorship speech ni Co, sisimulan na ang debate sa general principles at panukalang badyet ng Department of Finance, DOJ at NEDA, kasama ang attached agency at lumpsum na badyet ng mga ito.

 

Ilan sa mga ahensiyang mahigpit na binabantayan ang pondo ay Comelec, DAR, DFA, DTI, at ilan pang executive offices at state colleges and universities ang sasalang. Gayundin ang Department of National Defense, Department of Migrant Workers, DENR, at kanilang mga attached agencies, at budgetary support sa mga government corporations.

 

Ang panukala na bawasan ang badyet ng Office of the Vice President (OVP) ay sasalang sa Setyembre 23.

 

Target ng Kamara na maaprubahan ang ­General Appropriations Bill bago ang adjournment sa Setyembre 25.

Other News
  • Halos sabay silang nagka-Covid ni Paulo: KIM, willing pa ring magmahal after na mahiwalay kay XIAN

    HALOS sabay nagka-Covid ang mga bida ng ‘Linlang’ na sina Kim Chiu at Paulo Avelino, kaya wala sila sa presscon na ginanap sa Dolphy Theatre.   Dahil doon ay bukod tanging sina Diamond Star Maricel Soriano at Race Matias ang nakarating, kasama ang dalawang direktor na sina FM Reyes at Jojo Saguin. Pero live naman […]

  • Taas-singil sa kuryente, ipatutupad ngayong Marso

    MAGPAPATUPAD din ng taas singil sa kuryente ang   Manila Electric Company (Meralco)  ngayong buwan ng Marso.     Batay sa paabiso ng Meralco, nabatid na aabot sa P0.063 kada kilowatt hour (kwh) ang ipatutupad nilang dagdag-singil para sa March billing.     Gayunman, mas mababa anila ito kumpara sa estimate na pagtataas dapat na P0.80- […]

  • Pope Francis emosyunal na humingi nang tawad sa mga katutubo sa Canada

    BUONG pusong humingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga katutubo ng Canada na naging biktima ng pagmamaltrato at pangmomolestiya umano ng ilang opisyal ng simbahan na nagpapatakbo noon sa kanilang paaralan.     Sa kanyang talumpati sa harap ng mga katutubo, sinabi nito na labis siyang nahihiya sa ginawa ng kapwa niya Kristiyano sa […]