• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara may kapangyarihan na maglipat ng pondo kasama ang CIF

NASA kapangyarihan umano ng Kamara ang paglilipat ng alokasyon sa ilalim ng panukalang budget at kasama rito ang confidential and intelligence funds (CIF) ng iba’t ibang ahensya.

 

 

“There’s no question about it. The Congress, particularly the House, where the national budget bill originates, possesses that power. It is granted by the Constitution. The limitation to that power is that the Congress, to use the language of the Constitution, ‘may not increase the appropriations recommended by the President for the operation of the government as specified in the budget,” ayon kay Davao del Sur Rep. John Tracy Cagas.

 

 

Sinabi ng mambabatas na ang kamara at senado ay binigyan ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon na baguhin ang alokasyon ng mga pondo sa ilalim ng panukalang budget upang ito ay maging angkop sa pangangailangan ng bansa.

 

 

Nagdesisyon ang Kamara ang confidential funds ng mga civilian offices gaya ng Department of Agriculture, Department of Foreign Affairs, Office of the Vice President, at Department of Education at inilipat ito sa mga security agency na ang pangunahing mandato ay magbigay ng seguridad sa bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).

 

 

Bahagi rin ng pondo ay inilaan sa Pag-asa Island na nasa WPS upang malinang ang lugar na bahagi ng probinsya ng Palawan.

 

 

Ang desisyon ng Kamara na i-realign ang confidential fund ay hindi lamang umano paggamit nito ng kapangyarihan sa ilalim ng Konstitusyon kundi pagtugon din sa mga hiling ng mga ahensya na dagdagan ang kanilang pondo upang mabantayan ang interes, seguridad, soberanya at mapangalagaan ang teritoryo ng bansa, ayon kay Cagas.

 

 

Ipinunto rin ni Cagas na ang mga ahensiya, gaya ng OVP ay wala naman talagang confidential funds sa mga nagdaang panahon dahil hindi kabilang sa pangunahing mandato nito ang pagbibigay ng seguridad sa bansa. (Ara Romero)

Other News
  • Base sa ikinikilos ng Kapuso aktres: BEA, walang dudang sila na uli ni DOMINIC ‘di lang inaamin

    HINDI naniniwala ang source namin na hindi nagkabalikan sina Bea Alonzo at Dominic Roque.    Ayon pa sa kanya, kilalang-kilala raw niya si Bea dahil matagal na rin daw naman siyang malapit sa aktres nang mga panahon alaga pa ng Kapamilya ito.   Sa mga kınıkilos daw ngayon ni Bea ay walang dudang sila na […]

  • Sa Spain na sila nag-celebrate sa pagkapanalo bilang Senador: MARIEL, sobrang happy na pwede ulit mag-pink na fave nila ni ROBIN

    NASA Barcelona, Spain na si Mariel Padilla, kasama ang dalawang anak nila ng newly-elected and number one Senator na si Robin Padilla, at ang parents niya.            Ayon kay Mariel, sa Instagram post niya, right after daw niyang nakaboto last May 9, diretso na sila sa NAIA para magbiyahe to Barcelona; “we […]

  • After umalis sa GMA Network… BEA, inamin na happy sa mga bagong kaibigan sa Viva

    MATITIGIL na siguro ang mga speculations tungkol sa pagbabagong magaganap sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”     Nag-guest ang Chief Finance Officer ng Television and Production Exponent (TAPE) Inc. na si Dapitan Mayor Bullet Jalosjos, sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Wednesday, April 19.     Nilinaw na ni Mayor Bullet na […]