• April 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kampanya laban sa mga abusadong debt collectors, palakasin

PINAMAMADALI ni Davao City Rep. Paolo Duterte sa kamara ang pagpasa ng mga panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga financial borrowers o nangungutang mula sa pamamahiya o public shaming, napakalaking interest charges at iba pang matinding pang-aabuso ng ilang online lending companies sa kabila ng ginagawang government crackdown kontra sa mga abusadong money lenders.

 

 

Ang panawagan ay ginawa ng mambabatas sa inaasahang pagbabalik sesyon ng kamara bago magtapos ang buwan ng Hunyo upang maipasa agad ang mga batas na nagbabawal sa hindi patas, mapandaya, at mapanghiyang pamamaraan ng ilang online loan sharks.

 

 

“More victims  have continued to come out  to report being harassed, shamed, threatened, and forced to pay usurious interest charges. Both the Executive and Congress need to act fast to put an end to these inhumane debt collection practices,” ani Duterte.

 

 

Ayon kay Duterte, isang online petition na pinangunahan ng Philippine Association of Loan Shark Victims Inc. (PALSVI) ang nakakuha ng mahigit 32,000 lagda upang maiparating ang kanilang hinaing laban sa mga nasa 101 online lending apps  (OLAs) na umano’y  “namamahiya, nagbabanta, nanggigipit, nananakot at nagbigay pighati” sa mga biktima.

 

 

Naghain na rin ang mga miyembro nito ng reklamo sa Philippine National Police (PNP)  Anti-Cybercrime Group laban sa ilang online lenders.

 

 

Ilan sa mga naturang OLAs na nabanggit sa online petition ay patuloy pa ring nakikita sa Google Playstore.

 

 

Sa kabila nang pagsusumikap ng Securities and Exchange Commission (SEC) para habulin ang mga abusadong lending companies sa pamamagitan ng pagkansela ng kanilang registrations, pagpapasara at pagkakaroon ng convictions mula sa korte laban sa ilang operators nito ay may mga unregistered, illegal at abusadong online lending firms ang patuloy sa pamamayagpag.

 

 

Sinabi pa ni Duterte na ang kawalan ng batas na maghihigpit sa regulasyon ng mga online moneylenders ay ilan sa mga dahilan kung bakit dumarami ang mga abusadong debt collectors sa cyberspace.

 

 

“Our laws need to catch up with technology, which while providing ease and convenience to consumers, have also given rise to abusive practices that have ruined not only the reputations, but also the lives of their victims,” dagdag ng mambabatas.

 

 

Sa House Bill  6681, na inihain ng kongresista noong disyembre kasama sina Benguet Rep. Eric Yap at ACT-CIS Partylist Rep. Edvic Yap, layon ng mga ito magkaroon ng lehislasyon na magre-regulate sa collection practices ng mga lending companies.

 

 

Ang iligal at abusadong nakagawian ng ilang online lenders ay paglabag sa ilang batas tulad ng Cybercrime Prevention Act, Data Privacy Act, Revised Penal Code, at SEC Memorandum No. 18, series 2019.

 

 

Sa ilalim ng HB 6681 o Fair Debt Collection Practices Act, ang debt collector ay pinagbabawalang mang-harass, manggipit, mamahiya o mang-abuso sa mga debtor o naka-utang sa pagongolekta o panininggil ng utang.

 

 

Kabilang na dito ang pananakot, paggamit ng bastos na salita; pagpapalabas  o publikayon ng pangalan at iba pang personal information ng borrowers na hindi o tumanggi umanong magbayad ng utang.

(Ara Romero)

Other News
  • Nawawalang batang lalaki lumutang sa daluyan ng tubig sa Malabon

    LABIS ang pagdadalamhati ngayon ng mga magulang ng 11-anyos na batang lalaki matapos matagpuan nakalutang sa maruming daluyan ng tubig ang bangkay ng bata sa Malabon City, Huwebes ng hapon.     Halos pagsakluban ng langit at lupa ang 28-anyos na ina ng biktimang si alyas “Prince” residente ng St. Gregory Homes (NHA) Brgy Panghulo […]

  • Mga pulis na nagsisilbing bodyguards sa POGO workers at officials, imbestigahan

    KINONDENA ng isang mambabatas ang napa-ulat na unauthorized assignment at deployment ng mga pulis bilang bodyguards ng Chinese POGO (Philippine Offshore Gaming Corporation) officials at workers. Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ang nasabing police scheme ay napa-ulat na ginagawa ng may ilang taon. Ang […]

  • Int’l Day of Education: CHR, nanawagan ng proteksyon vs abuso sa mga estudyante

    Nananawagan ng Commission on Human Rights (CHR) ng mahigpit na proteksyon sa mga kabataan kasabay ng paggunita sa International Day of Education  noong Enero 24.     Ikinabahala ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia ang lumalalang epekto ng pandemya sa higit 28-milyong kabataang estudyante sa bansa.     “The third International Day of Education comes […]