• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kampanya ni Saso inantala ng ulan

NAURONG ang pagkorona sa bagong reyna ng 75th US Women’s Open Golf Championship nitong Linggo dahil sa serye nang pagbuhos ng ulan sa Cypress Creek at Jackrabbit course ng Champions Golf Club sa Houston, Texas.

 

Ipinahayag ng United States Golf Association (USGA) agronomists , na inabot ng 78 pulgada ang tubig sa golf course sa 24 na oras na buhos ng ulan na lalo pang nagpaputik dito, na unang naranasan na rin ng mga sa third round noong Sabado.

 

Sa 54-hole total 217 at one-over tapos ng five holes, kabbuhulan sa walong nasa ika-32 puwesto si Yuka Saso ng Pilipinas. Uno-dos-tres pa rin sina two-day leader Hinako Shibuno ng Japan (-3 209), opening day leader American Amy Olson (-3  2010) at Ji Yeong2 Kim ng South Korea at Moriya Jutanugarn ng Thailand (-1 212).

 

Itutuloy ang mga laro sa Lunes ng alas-8:00 nang umaga (alas-7:00 nang gabing oras sa Maynila). Ito na ang ikatlong beses na naurong ang pagkorona sa reyna sa araw ng Lunes, at unang pagkakataon namang ginanap ang paligsahan ng Disyembre mula sa Hunyo dahil sa pandemya. (REC)

Other News
  • Pondo ng NTF-ELCAC gawin na lang ayuda

    Matapos ang red-tagging sa mga organizer ng community pantry, nais ng ilang senador na tanggalan ng pondo ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).     Sa tweet ni Sen. Joel Villanueva, sinabi niya na ang kasalukuyang P19 bilyon budget ng NTF-ELCAC sa susunod na budget ay ilaan para sa ayuda, habang […]

  • Pinoy boxer Eumir Marcial umaasa pa rin ng suporta sa ABAP sa pagtungo nito sa US

    HINDI pa tiyak ni Philippine national boxer Eumir Felix Marcial kung suportado ito ng Association of Boxing Alliance in the Philippines (ABAP) sa pagsisimula na ng kaniyang ensayo para sa mga professional fights.   Nasa US na kasi si Marcial kung para makipagkita kay boxing coach Freddie Roach, at American matchmaker Sean Gibbons.   Nais […]

  • MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN

    NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa  health at  safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.   Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat […]