Kampo ni BEA at GMA-7, nagtataka sa lumabas na ‘fake news’ na may offer para maging isang Kapuso
- Published on April 5, 2021
- by @peoplesbalita
NAGTATAKA ang manager ni Bea Alonzo, even ang mga taga–GMA Network, sa balitang may offer sila sa aktres para pumirma sa kanila ng contract at maging isang Kapuso.
Fake news iyon, dahil sa ngayon ay committed lamang si Bea para sa movie na gagawin nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, ang A Moment To Remember, para sa Viva Films, GMA Pictures at APT Entertainment.
Hindi pa sila pwedeng mag-commit ng iba pang projects dahil three movies na ang dapat gawin ni Bea this year, pero nasa preparations pa lamang lahat dahil nga sa muling paghihigpit sa health protocols simula nang maging ECQ muli ang NCR at apat pang karatig na probinsya.
Kung dati ay hanggang April 4 lamang ang ECQ, na-extend pa ito ng another week, hanggang April 11.
***
MARAMING nai-excite sa ipagbabago ng buhay ni Sanya Lopez bilang si Yaya Melody sa romantic-comedy series na First Yaya sa GMA Telebabad.
Maraming nai-in love sa story nina Yaya Melody at ng boss niyang si President Glenn Acosta (Gabby Concepcion) na parang isang Korean drama series daw ang takbo ng story.
At ngayong gabi nga, magaganap na ang transformation ni Yaya Melody mula sa isang simple yaya to a beautiful lady.
Sino kaya ang fairy-godmother ni Yaya Melody na magpapaganda sa kanya?
Tiyak na lalong manggagalaiti sa galit ang in-love kay Pres. Glenn na si Loraine (Maxine Medina), na feeling pag-aari na niya ito, dahil ‘manok’ siya ng Mama Blesilda (Pilar Pilapil) na maging First Lady ng anak niyang Presidente?
Pero si President Glenn lang ba ang mai-in love kay Yaya Melody? Mga guwapo lahat ang members ng kanyang Presidential Security Group (PSG) sa pangunguna ni Conrad (Pancho Magno).
Abangan ang mga susunod na mangyayari simula ngayong ika-8 ng gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.
***
MAPAPAWI na ang paghihintay ng mga fans and followers ng new loveteam nina Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara.
Nang una kasing magkasama ang dalawa sa Kambal Karibal, gusto na nila ang dalawa dahil mukha raw may chemistry sila, pareho pang mahusay umarte. Pero si Bianca Umali pa ang ka-love team ni Miguel noon kaya hintay-hintay daw muna sila sa bagong project na pwedeng pagsamahan ng dalawa.
Kaya this Easter Monday, mapapanood na ang bagong magka-loveteam sa episode na ‘#Future’ ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You.
Nakikita nga ba ni Miguel ang mangyayari bago pa ito maganap? Sa pagkikilala nila, magkakatulungan sila, pero paano kung malalaman ni Miguel na may kinalaman si Kyline sa pagkamatay ng kanyang ama (Gabby Eigenmann)?
Masusubukan ang acting nina Miguel at Kyline sa serye na mukhang may drama, action at mystery ang story ng episode na kasama rin nilang gumaganap sina Aiko Melendez at StarStruck graduate Dani Porter.
Sa direksyon ni Dominic Zapata, mapapanood simula na ito ngayong gabi pagkatapos ng First Yaya sa GMA-7 (NORA V. CALDERON)
-
‘Big Three’ ng Warriors papagitna sa NBA finals
SA MULING pagkakabuo ng tatluhan nina Stephen Curry, Draymond Green at Klay Thompson ay mahirap talunin ngayon ang Golden State Warriors sa NBA Finals. Naghari noong 2015, 2017 at 2018, hangad ng Warriors na muling makamit ang NBA championship sa pagsagupa sa Boston Celtics simula sa Game One bukas (Manila time) sa San […]
-
PBBM, nanawagan ng pagkakaisa sa gitna ng mga bagyo
NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Lunes, Nobyembre 18 sa sambayanang Filipino ng pagkakaisa sa harap ng kamatayan at pagkawasak na iniwan ng serye ng mga bagyo sa bansa. “Our collective faith and prayer to the Almighty is the most powerful tool that we have to weather these storms and the […]
-
Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power
TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa Philippine government ang stable supply ng liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa. Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si Sabin Aboitiz, […]