Kapag natuloy na ang paglipat sa GMA: ENRIQUE, balitang si MARIAN ang unang makatatambal
- Published on February 15, 2023
- by @peoplesbalita
DUE to insistent public demand, extended na ang historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network.
“Dinggin ninyo kami #MCIExtend,” pakiusap ng mga netizens and fans ng serye.
Narinig naman ito ng GMA Entertainment Group at ng production team ng serye ang hiling ng mga manonood, kaya sa halip na magtapos na ito this week, nagdagdag pa sila ng ilang episodes na magbibigay-buhay ang kwuento ng pangalawang nobela ni Dr. Jose Rizal, ang “El Filibusterismo.”
“Mas matagal pa nating makakasama ang mga characters nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at mas makikilala ninyo ang mga karagdagang karakter sa serye tulad ng binatang si Basilio (Khalil Ramos), si Isagani (Kim de Leon), Juli (Pauline Mendoza), Paulita Gomez (Julia Pascual).”
At mas mabibigyan nga ng oras ang pagpapatuloy ng love story nina Klay (Barbie Forteza) at Fidel (David Licauco) na tinawag na FiLay loveteam.
Kaya tuloy pa rin ang pagpanood ninyo dear viewers, ng “Maria Clara at Ibarra” every night, 8PM after ng “24 Oras.”
***
MUKHANG mas magiging ma-intriga ang nalalapit na showing ng “Martyr or Murderer,” ang ikalawang yugto ng “Maid in Malacanang” ng Viva Films, na muling dinirek ni Darryl Yap, sa March 1, 2023.
Bukod sa may mga bagong artista na kasana sa cast, nadagdag pa rito ang pag-amin ni Direk Darryl na may mga natatanggap siyang banta sa kanyang buhay.
Kaya hindi siya nagpakampante at gumawa na siya ng paraan para maiwasan ito. Like, ibinenta na raw niya ang tatlong kotse niya at hindi na rin siya nagpo-post sa social media ng mga pag-aari niya. Lumipat din siya ng bahay para mailigaw kung sinuman ang nagbabanta sa buhay niya.
There was a time daw na may bodyguard siya, pero tinanggal din niya dahil naiilang daw siya na pinagbubuksan pa siya nito ng pinto, kapag bababa siya ng sasakyan.
Sa isang interview ay inamin din ni Direk Darryl na ibang-iba ang personality niya off-camera na hindi alam ng publiko.
“I’m a very simple person, hindi ako masamang tao, I love peace, and I’m a quiet person. I have a black room, so I can’t see the light, kung gusto ko nang magpahinga at matulog.”
Sa ngayon pala, tapos na rin si Direk Darryl mag-cast ng third episode ng movie, at magkakaroon na rin siya ng changes ng mga artistang magsisiganap.
Ayaw nga niyang sabihin kung sino ang bagong gaganap na Mrs. Imelda Marcos. Naka-contract pala si Direk Darryl sa Viva Films na tatapusin niya ang third episode ngayong 2023..
***
TOTOO na kaya ang balitang tuloy na ang paglipat ni Kapamilya actor Enrique Gil sa GMA Network? Matagal na raw usap-usapan iyon ng mga nalulungkot na fans nina Enrique at Liza Soberano na tuluyan na nga raw maghihiwalay ang love team ng dalawang Kapamilya stars.
Dahil nag-decide na si Liza na mag-try ng acting career niya sa US. May nagbalita rin na si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera raw ang unang makatatambal ni Enrique kapag lumipat na siya sa GMA.
Kaya tanong din naman ng mga fans ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian, paano raw ang balitang muling magtatambal ang mag-asawa sa isang seryeng gagawin nila sa GMA?
(NORA V. CALDERON)
-
Isang matinding ‘never’ at napa-eeeeew! ang anak: CIARA, malabo pang magka-boyfriend dahil tutol pa si CRIXUS
SA latest Q & A vlog ng actress na si Ciara Sotto, sinagot nga niya ang mga tanong tungkol sa status ng kanyang pakikipag-relasyon. Naitanong kay Ciara kung may boyfriend na ba siya, pagkatapos ng paghihiwalay ng asawang businessman na si Joe Oconer noong 2016. Nakaaaliw naman ang naging reaction ng […]
-
6 sangkot sa droga, nalambat sa Navotas buy-bust
Anim na hinihinalang drug personalities, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas city. Ayon kay Navotas police chief Col. Rolando Balasabas, dakong 4:45 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni […]
-
QC gov’t namahagi ng P500 fuel subsidy sa mga tsuper kasunod ng pagtaas ng presyo ng krudo
NAMAHAGI ang pamahalaang lokal ng Quezon City ng P500 fuel subsidy voucher para sa lahat ng tricycle driver na pumapasada sa siyudad. Ito ay para alalayan ang mga tsuper na lubos na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo. Mismong si Mayor Joy Belmonte ang nagbigay ng tulong sa halos […]