• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapangyarihan ng Senado sa pagbawi sa anumang tratado, iginiit

SUMUGOD sa Supreme Court ang limang senador sa pangunguna ni Senate President Vicente Sotto III upang humingi ng ruling kung may kapangyarihan ang Senado sa pagbasura ng anumang tratado tulad ng Visiting Forces Agreement (VFA).

 

Dakong ala-1:30 kaninang hapon nang ihain ng abogado ng Office of the Senate President ang naturang petisyon o ang “petition for declaratory relief and mandamus.”

 

Sa kanilang petisyon para sa declaratory relief at mandamus, hiniling nina Sotto kabilang sina Senador Ralph Recto, Juan Miguel Zubiri, Franklin Drilon, Richard Gordon at Panfilo Lacson na ideklara na ang anumang tratado na pinagtibay ng Senado na dapat magkaroon ng concurrence ang Mataas na Kapulungan kapag ibinasura.

 

Anila, kailangan magpalabas ng kautusan ang SC na inaatasan ang respondents na kailangan magkaroon ng concurrence ang Senado sa Notice of Withdrawal alinsunod sa Section 21, Article VII ng 1987 Constitution.
Inihain ang petisyon isang buwan matapos ibasura ni Pangulong Duterte ang VFA dahil binawi ng State Department ang visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.

 

Tinukoy na respondents sa petisyon ng mga senador sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr.

 

“The petition seeks a definition of the “constitutional boundaries” of the powers of the Senate and the executive branch of government, and does not concern the VFA alone,” ayon kay Drilon.

 

Sinabi naman ni Sotto na iginigiit lamang sa petisyon ang kapangyarihan ng Senado sa pagbawi ng anumang tratado.
“‘Yung ganitong klaseng kabigat na agreement na mahirap pasukan, napakahirap ng pagkakapasok dito, hindi pwedeng tapusin ‘to ng isang sulat lang. Hindi ganon kadali ang pananaw namin,” aniya.

 

Ngayong araw, may En Banc session ang Korte Suprema pero wala pang katiyakan kung makasasama ang petisyon ng mga senador sa agenda.
(Ara Romero)

Other News
  • ‘ASAP Natin ‘To’ at ‘FPJ: Da King’ ng ABS-CBN, mapapanood na sa TV5 kaya natsugi ang show nina PIOLO at MAJA

    MAPAPANOOD na ang ASAP Natin ‘To at FPJ: Da King ng ABS-CBN sa TV5.   So by now, mas malinaw na siguro kung bakit nawala na lang bigla ang Brightlight Production’s blocktimer show na SNL (Sunday Noontime Live) headed by Piolo Pascual and Maja Salvador.   Siyempre, maraming natuwa sa balitang ito kunsaan, malinaw na […]

  • Kaya proud na proud na pinost ni Coleen: BILLY, ‘di makapaniwalang nanalo sila sa ‘Dancing with the Stars’ sa France

    ANY day now ay babalik na si Kapuso actress Bea Alonzo mula sa kanyang bakasyon sa Madrid, Spain, kung saan nakabili na siya ng house doon, at magiging bakasyunan niya at ng kanyang family kung libre siya from work.     May clamor kasi ang mga fans ng “Start-Up PH” nina Alden Richards at Bea  […]

  • NADINE, nagsimula nang mag-shooting at si DIEGO ang napiling ka-partner; netizens nag-react sa teaser photos

    NAGSIMULA na ngang mag-shooting si Nadine Lustre para sa comeback film niya sa Viva Films at sa direksyon ni Yam Laranas.     Nag-post na si Direk Yam ng teaser photos sa kanyang Instagram account na may caption na, “GREED @vivamaxph #actor@nadine @diegoloyzaga #filmmaking #storytelling #cinema #cinematography#filmproduction @viva_films x @meshlabprod #entertainment.”     Marami namang […]