• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapasidad ng mga ospital na maka- accomodate ng mga COVID patients, patuloy na tumataas habang pababa ang naitatalang tinatamaan ng virus – Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na marami pang hospital bed  ang maaaring gamitin sa mga kinakapitan ng COVID -19.

 

Sinabi  ni Presidential Spokesperson Harry Roque na maayos sa kabuuan ang bed capacity na inihanda ng pamahalaan para sa mga COVID patients.

 

Aniya, nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangang dalhin sa ICU habang 62% ang available pa sa mga isolation beds.

 

Habang 72%  naman ang available para sa ward beds habang pati mga ventilators ani Roque ay wala nang nakikitang kakapusan gayong nasa 81%  ang availability ng mga ventilators.

 

Subalit, sinabi ni Sec. Roque, na hindi naman ibig sabihin na dahil marami pa ang mga kama para sa magkakasakit ng COVID ay maaari nang  magpabaya gayung dapat pa rin aniyang i-obserba ang  mask, hugas at iwas.

 

“Uulitin ko po, hindi naman ibig sabihin na palibhasa marami pa tayong mga kama para sa magkakasakit ng COVID ay tayo po ay magpapabaya na. Kinakailangan mask, hugas, iwas,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

 

Other News
  • Marcos Jr. suportado ang modernisasyon ng PCG

    TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).     “As your leader, I assure you that this Administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better deli­very of […]

  • Tim Cone inaming nahihirapang makahanap ng final 12

    INAMIN ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone na mahihirapan itong pumili ng final 12 na sasabak para sa second window ng FIBA Asia Cup.Streaming service Sinabi nito na sakaling magkakaroon ng problema dahil sa injury si Justin Brownlee ay ipapalit agad nila si Ange Kouame. Ang 6-foot-11 kasi na dating Ateneo de Manila University star […]

  • Crane operator, 2 pa timbog sa P136K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM sa tatlong hinihinalang drug personalties, kabilang ang isang crane operator ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Ariel Ibañez alyas “Arjay”, 34, Jose Dasigan alyas […]