KAPISTAHAN NG POONG NAZARENO, KASADO NA
- Published on January 6, 2023
- by @peoplesbalita
ALL system go na para sa Kapistahan ng ng Itim na Poong Nazareno o Nazareno 2023 sa Enero 9.
Sa press conference na dinaluhan ni Manila Mayor Honey Lacuna, MPD,BFP,DOH,MMDA,AFP at iba pang ahensya ng gobyerno at nang ilang opisyal ng Quiapo church inilatag ang ilang mga panuntunan sa naturang aktibidad.
Ayon kay Nazareno adviser Alex Irasga,tuloy ang pagdiriwang bagamat wala na ang tradisyonal na “Traslacion” ay magkakaroon naman ng “Walk of Faith”.
Ang ruta ng Walk of Faith ay magsisimula ng ala una ng madaling araw sa January 8, sa Quirino Grandstand patungong simbahan ng Quiapo.
Ang prusisyon ay inaasahang tatagal ng higit dalawang oras.
Para naman sa mga dadalo ng misa, pinapayagan na ang full seating at standing capacity sa loob ng simbahan.
Pinapayagan rin ang pagsusuot ng tsinelas at sapatos ng mga deboto, pagdala ng mga maliliit na replika ng imahen, wheelchair, maliliit na camera, portable chair at flashlight, at transparent na kapote.
Pinayuhan naman ang mga deboto na huwag nang magdala ng malaking replika, banners, drone at professional camera, selfie stick, matatalas na bagay, pyrotechnic devices, tents at picnic items, at malalaking bag dahil ito ay ipinagbabawal.
Ayon kay Irasga, ang MPD lamang ang maaaring magpalipad ng drone .
Pinayuhan na rin ang mga deboto na magdala ng snacks at water canister ngunit tiyakin na hindi magkakalat ng basura.
Ang mga may sakit o sintomas ng COVID-19 ay pinayuhan na rin na huwag ng dumalo pa sa aktiobidad at sa bahay nalang mamalagi upang hindi na makapanghawa pa ng ibang deboto.
Samantala, inihahanda na rin ang bahagi ng Quirino Grandstand para sa mga inilatag na aktibidad kaugnay sa Nazareno 2023. (GENE ADSUARA)
-
Curry, nagbuhos ng 41-pts upang itumba ng Warriors ang Pelicans
Lumakas pa ang tiyansa ng Golden State Warriors na makahabol sa NBA playoffs matapos na itumba ang New Orleans Pelicans, 123-108. Sa ngayon nasa Western Conference play-in position ang Warriors sa labas ng top six na mga teams habang meron na lamang pitong games na nalalabi. Inaasahang dalawa pang games ay […]
-
PDU30, magsasalita sa UN General Assembly debate bukas, Setyembre 21
INAASAHAN na magsasalita si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa United Nations (UN) at isulong ang posisyon ng bansa sa mga usapin na may kinalaman sa pagtugon ng gobyerno ng Pilipinas sa coronavirus (COVID-19) at human rights. Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, magsasalita ang Pangulo sa unang araw ng High-Level General Debate ng […]
-
Ads July 18, 2023