Kapitan ng Barangay Kaligayahan muling inireklamo sa Ombudsman
- Published on September 20, 2023
- by @peoplesbalita
SINAMPAHAN ng panibagong reklamo ni Aljean Abe, isang dating teaching aide sa Barangay Kaligayahan Novaliches QC ang kanilang barangay kapitan na si Alfredo “Freddy” Roxas, ukol sa Grave Coercion na may kaugnayan sa Republic Act 3019 o Anti-Graft & Corrupt Practices Act.
Nag-ugat ang kanyang bagong reklamo ng makaranas sya at kanyang pamilya ng panghaharas at pananakot mula kay Kap. Roxas at sa mga tauhan nito mula ng malaman nila ang pagsasampa ng reklamo ni Abe sa Ombudsman nitong Sept. 11 kay Kap. Roxas at sa mga tauhan nito ng paglabag sa Anti-Graft & Corrupt Practices Act at Falsification of Public Documents dahil sa paggamit diumano ni Kap. Roxas ng “Ghost Employee”.
Matapos maisampa ang reklamo ay dagsa na ang missed call kay Abe at maging sa kanyang fb messenger dagsa na ng mensahe mula kila Mark Roldan Santiago Sedilla at Jennilyn Guiling Montefalco na pawang mga empleado ng Barangay Kaligayahan.
Para sa kanyang seguridad ay lumipat ng tirahan si Abe ngunit nito lamang Sept.12 pinuntahan sya ng mga tauhan ni Kap. Roxas na sina Melanie Aviguetero, Jamaica Jallorica upang kunan sya ng litrato ngunit di sya pumayag at gamit pa umano nila ang service vehicle ng barangay, at nitong Sept.14 ay may mensahe si Kap. Roxas kay Abe na bakit sya nagsampa ng kaso laban sa kanya at kung tulong pinansyal at kung gusto rin makabalik ni Abe sa trabaho sa barangay ay tutulungan sya ni Kap. Roxas basta pumirma lamang ito ng mga dokumento sa harap ng abogado.
Matatandaan na isang Hernando Compedio ang nagsampa din ng reklamong Anti Graft and Corrupt Practises Act laban kay Kap. Roxas dahil sa paggamit ng kanyang pangalan para umano makakolekta ng sweldo sa Quezon City Hall, kahit hindi na empleyado ng Barangay Kaligayahan si Compedio.
Reklamong paglabag din sa Anti Graft and Corrupt Practises Act ang isinampa ng isang Barangay Kagawad laban kay Kap. Roxas dahil naman sa pag-apruba sa isang resolusyon na hindi dumaan sa regular session ng barangay. (PAUL JOHN REYES)
-
40.7 init, posible hanggang Mayo – PAGASA
DAHIL sa patuloy na epekto ng El NIño phenomenon o panahon na walang ulan at summer season, tinaya ng PAGASA na papalo mula 40.3 hanggang 40.7 ang temperatura sa Northern Luzon hanggang sa katapusan ng Mayo. Sinabi ni Dra. Ana Solis, hepe ng Climate Monitoring and Prediction ng PAGASA, nakapagtala na ang […]
-
Pangulong Marcos inalala yumaong ama
NAGBIGAY ng madamdaming mensahe si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-35 anibersaryo ng kamatayan ng yumaong ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Sa facebook post ng Pangulo, umaasa siya na proud sa kanya ang ama ngayon. “My father lived in service to our country. He advocated for development, justice, […]
-
Bulacan, walang community transmission ng UK, South African variants
LUNGSOD NG MALOLOS– Nilinaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na sa ngayon ay wala pang naitatalang hawaan sa komunidad sa lalawigan ng Bulacan ng anumang COVID-19 variant partikular na ng UK at South African variant. Ayon kay Provincial Health Officer II Dr. Hjordis Marushka Celis ng Bulacan Medical Center, nakapagtala o may natukoy na […]