• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapuso breakout star na si CLAIRE, bagong ‘Pantasya ng Bayan’ matapos magpasilip ng alindog sa serye

ANG Kapuso breakout star na si Claire Castro ang bagong Pantasya ng Bayan.

 

 

Pagkatapos na magsilip ng kanyang alindog si Claire sa kanyang eksena with Rayver Cruz sa teleserye na Nagbabagang Luha, tinawag na siya ng netizens na bagong Pantasya ng Bayan.

 

 

Sey ni Claire sa binibigay na titulo sa kanya: “I’m not sure what ‘pantasya’ means po, but thank you, whatever it means. Thank you po sa inyong lahat na nanonood, na-appreciate ko po ‘yung comments, negative or not.”

 

 

Kinaiinisan ng marami ang role ni Claire bilang si Cielo dahil ginugulo niya ang relasyon ng kanyang Ate Maita (Glaiza de Castro) sa pag-akit niya sa fiance nitong si Alex (Rayver Cruz).

 

 

Diin ni Claire, iba raw siya kay Cielo sa totoong buhay.

 

 

“Well, as Claire po, masu-surprise po kayong malaman na very comfy lang po talaga ‘ko manamit, very mahinhin, a little bit bit very opposite po sila ni Cielo.”

 

 

Sa pagsuot naman ng bikini at mga sexy na damit, kumportable si Claire na maging mas daring pa as Cielo.

 

 

“I like being comfortable also but I like being challenged, especially po which is very daring, very sexy.

 

 

“Very opposite po pero I love a good challenge naman and I’m comfy naman with my body and how I look and I’m okay with flaunting it.

 

 

***

 

 

DALAWANG Filipino designers ang kasali sa 19th season sa American reality competition show na Project Runway. 

 

 

Sina Kenneth Barlis na taga-San Diego at Darren Apolonio of New York ay kabilang sa 16 contestants na ime-mentor ng Project Runway winner at host na si Christian Siriano.

 

 

Si Barlis ay lumaki sa military base sa Mindanao. Isa siyang registered nurse sa Amerika bago siya naging designer at nakapag-show siya sa LA Fashion Week since 2013.

 

 

Si Apolonio ay pinanganak sa Pilipinas at nag-migrate sa New York pagka-graduate niya ng high school. Mga naging fashion influences niya ay sina Lady Gaga at David Bowie.

 

 

Ang winner ng bagong season ng Project Runway ay tatanggap ng $250,000.

 

 

***

 

 

HINDI nakapaniwala si Mikael Daez na 11 years na siya sa GMA-7. Kaya ikinatuwa niya ang muling pag-renew ng kanyang kontrata bilang Kapuso.

 

 

“This makes me extremely happy. It shows that GMA is continually willing to invest and take a chance on me even though I’ve been in GMA for 11 years, and I’ve done a collection of projects already, the continual trust is something that shouldn’t be taken for granted so I’m very thankful for that,” sey ni Mikael sa virtual mediacon.

 

 

Ilan sa malalaking projects na nagawa ni Mikael bilang Kapuso ay ang Amaya, Sana Ay Ikaw Na Nga, My Beloved, Adarna, Ismol Family, Bubble Gang, Ang Lihim Ni Annasandra, My Faithful Husband, Poor Senorita, The Stepsisters at Love Of My Life.

 

 

Looking forward si Mikael sa mga bagong gagawin niyang shows na kasama si Megan.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Puregold CinePanalo Film Festival, nakipag-partner sa MOWELFUND sa pagsuporta sa mga pelikulang Kwentong Panalo

    MASAYANG inanunsyo ng Puregold CinePanalo Film Festival ang kanilang partnership sa Movie Workers Welfare Foundation, Inc. (MOWELFUND).   Layunin ng kolaborasyong ito na ibida ang industriya ng pelikula sa Pilipinas, partikular na ang mga bagong filmmaker, at ang mga kwentong itinatampok ang buhay at kultura sa Pilipinas.   Itinatag noong 1974, ang MOWELFUND ay isang […]

  • Nadal pasok na sa 2nd round ng Wimbledon

    PASOK  na sa ikalawang round ng Wimbledon si Rafael Nadal matapos talunin si Francisco Cerundolo ng Argentina.     Nagtala ito ng 6-4, 6-3, 3-6 at 6-4 ang seeded number 2 laban sa 41st ranked na Argentinian player.     Mula sa simula ay pinatunayan ng 36-anyos na Spanish player na kaya niyang dominahin si […]

  • Garapal na online sellers ng face mask, alcohol tutugisin ng DTI

    TINIYAK ng Department of Trade and Industry (DTI) na hahabulin nila ang mga garapal at hindi lehitimong online sellers na nagbebenta ng face mask, alcohol, sanitizers at iba pa sa gitna ng coronavirus disease (COVID-19).   Sa Laging Handa press briefing sa New Executive Building (NEB), Malakanyang ay sinabi DTI Secretary Ramon Lopez na hindi […]