Kapuso network at NCAA, nagsanib-puwersa
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
Mas excited na ang mga sumusubaybay ng grand finale, ng pinag-uusapang “The Philippine Adaptation ng “Descendants of the Sun” na magwawakas na sa Friday, on Christmas Day pa mismo, at 9:20PM, pagkatapos ng “Encantadia.”
Ang tanong, ano ang mananaig, ang pagmamahal sa tungkulin sa bayan ni Capt. Lucas Manalo – played by Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. O ang pagmamahal niya sa girlfriend na si Dra. Maxine dela Cruz, played by Jennylyn Mercado? Sino ang ililigtas niya, si Maxine o ang kapatid nitong si Rodel (Neil Ryan Sese), na nanganganib ang buhay sa tauhan ng mga rebeldeng sundalo? Malaki rin ang kasalanan ni Rodel kay Lucas na muntik nang ikasawi ng ama nito (Roi Vinzon) kung hindi nailigtas ni Lucas, pero nabalda naman at hindi na nakalakad.
Kaya ngayong Christmas day, magkaroon ba ng kapatawaran sa puso ni Lucas para kay Rodel o tanggapin ang kanyang kasalanan o pagdusahan nito ang kanyang kasalanan?
Will it be a happy wedding day sa buong Alpha Team nina Lucas Manalo at Maxine dela Cruz, Sgt. Diego Ramos at Capt. Moira Defensor?. The “Descendants of the Sun,” The Philippine Adaptation, 9:20PM sa GMA -7 after “Encantadia”
*****
Ilang araw bago mag-Pasko, exactly on Thursday, December 17, opisyal na ang pagiging Kapuso ng NCAA matapos ang signing ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng GMA Network at pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Pinangunahan nina GMA Network Chairman and CEO Felipe L. Gozon at President and COO Gilberto R. Duavit, Jr. na parehong dumalo virtually, ang mga Kapuso executive. Sa panig ng NCAA, pinangunahan nito ni Season 96 Policy Board President Fr. Rector Clarence Victor C. Marquez, OP kasama ang iba pang NCAA PolicyBoard Members.
“This team-up with the country ‘s first athletic league is very much meaningful for us in GMA. We are looking forward to show everyone the world –class talent of our young Filipino student athletes and rest assured that we still only give what is best for them as GMA Network wholeheartedly welcomes NCAA into our home,” pahayag ni Atty. Gozon.
Para naman kay Fr. Rector Marquez, ang pagsasanib-pwersa ng number one network is really at ng first collegiate atletic league ay malaking bagay para sa NCAA. “More than putting ink on paper, this MOA between NCAA and GMA Netwok is really an act of hope, committing the 10-member schools of the first and longest-running collegiate athletic league in partnership with number 1 multi-media network, to fulfilling the dreams of our student-athletes to healthy and safe competition , and inspiring our school communities and the entire country towards a better ways of engaging and enjoying sports, especially in the context of this pandemic.”
Mapapanood ang NCAA sa GMA News TV, GMA PinoyTV sa www.GMANetwork.com. Ang inaabangan naman na Men’s Basketball Finals ay ipapalabas sa main channel ng Kapuso Network sa GMA-7. (Nora V. Calderon)
-
Martinez naagaw ang IBF crown ni Ancajas
NAAGAW kay Jerwin Ancajas ang kanyang IBF junior bantamweight championship title, na mula noong 2016 pa niyang hawak. Ito ay matapos na talunin si Ancajas ni Fernando Martinez ng Argentina sa kanilang umaatikabong bakbakan sa Las Vegas araw ng Linggo. Binigyan ng mga hurado ang laban ng 117-111, 118-110, 118-110 na […]
-
Kai Sotto sumama na sa ensayo ng Gilas Pilipinas
Sumama na si Kai Sotto sa training bubble ng Gilas Pilipinas para sa third window ng 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers sa Clark. Nagtapos na kasi ang quarantine period ng 7 foot 4 para makasama sa training ng Gilas kung saan magiging host ang Pilipinas. Umaasa naman si Samahang Basketball ng […]
-
24-HOUR CURFEW SA MINORS, IPINATUPAD MULI SA NAVOTAS
DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, […]