• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karagdagang buses, e-jeepneys papayagang pumasada

Maaaring maglagay ng karagdagang buses at e-jeepneys sa mga routes na

 

Itinalaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa June 22 habang ang traditional jeepneys naman ay papayagan lamang kung kulangang modern PUJs.

 

“The second phase (of operation) of modern PUVs has been approved, and if they are not enough, the LTFRB might allow traditional jeepneys, provided they are roadworthy,” wika ni Presidential Spokesman Harry Roque.

 

Sa antas ng transport modes, ang traditional jeepney ang pinakahuling papahintulutang  papasada  sa kategorya  ng transportasyon. Mas unang pinayagan ang buses, modern Public Utility Vehicles (PUVs), at tricycles.

 

Sa ngayon ay ginagawa ng pamahalaan ang gradual na paglalagay ng pang publikong transportasyson sa mga lansangan upang magsakay ng mga mangagawa sa Metro Manila.

 

Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na may ilan lamang na traditional jeepneys ang kanilang papayagan na tumakbo sa ilalim ng general community quarantine (GCQ).

 

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgrana may 104 rationalized jeepney routes ang bubuksan ng LTFRB kapag naalis na ang lockdown.

 

Noong  nakaraang Huwebes naman ay may tatlong city bus routes ang binuksan. Ito ay ang PITX-Sucat, PITX-Naic at PITX-Cavite City.Sa kasalukuyan ay mayroon ng karagdang 90 buses ang pumapasada sa ilalim ng MRT 3 Bus Augmentation Program.

 

Ngayon GCQ, ang LTFRB ay nagbukas ng 27 na bus routes mula sa kabuuang 31 bus routes sa Metro Manila.

 

Habang ang provincial buses naman ay naka-schedule ng deployment ngayon June 22 subalit pag-uusapan pa rin ng IATF.

 

“For public transportation, there are 18,830 transport network vehicle service (TNVS), 16, 701 taxis at 271 P2P buses in operation under the 28 P2P routes. They are now plying Metro Manila,” dagdag ni Roque.

 

Habang ang buong Luzon ay nasa ilalim ng ECQ, ang lahat ng modes ng transportasyon ay pinahinto noong March upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19. Nang nagkaron na ng mas relax na GCQ noong June 1, selected public transportation lamang ang pinayagan tulad ng P2P buses, trains, ride-hailing services at bicycles. Subalit limited passenger capacity lamang ang maaaring sumakay dito. (LASACMAR)

Other News
  • ‘Di lang magtagpo ang schedules nila kasama si GELLI: CARMINA, nagandahan sa script ni CANDY kaya gusto nang mag-shoot

    NAG-ENJOY kami sa panonood ng iWant TFC offering 6-part mini-series titled Bola-Bola na nagkaroon ng preview sa Cinema 1 ng Santolan Town Plaza last Sunday, March 20   Present ang buong cast headed by Francine Diaz, KD Estrada, at Akira Morishita ng BGYO. Present din ang ilang fan groups ng mga artista na walang sawang […]

  • QC binuksan ang mga bagong bike lanes

    May mga bago at pinagandang bike lanes ang binuksan noong Linggo ang lungsod ng Quezon City sa mga pangunahing lansangan dito bilang bahagi sa pagsusulong ng active, sustainable at environment-friendly na transportasyon na laan sa mga residente at mangagawa.       Inilungsad din ang proyektong ito upang maisulong ang pagbibisekleta at ng masiguro ang […]

  • Bukod sa hinuhulaan na kung sinu-sino ang magwawagi: Direk ICE, JONA, ZEPHANIE at REGINE, may mga pasabog sa ‘The 5th EDDYS’

    KANYA-KANYA nang hula ang mga fans at netizens kung sinu-sino ang magwawagi sa The 5th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice) ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), ngayong Linggo na, November 27 sa Metropolitan Theater (MET).     Magsisilbing host sa awards night ang talent manager at premyadong TV personality na si Boy Abunda at sa […]