• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karagdagang P1.4B, kakailanganin para maipagpatuloy ang libreng sakay hanggang sa Disyembre – DOTr

NASA karagdagang P1.4 billion na pondo ang kakailanganin ng Department of Transportation (DOTr) para maipagpatuloy ang libreng sakay para sa mga mananakay hanggang sa katapusan ng buwan ng Disyembre.

 

 

Paliwanag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang libreng sakay sa EDSA Carousel ay mayroon lamang fixed budget at kailangan ng kagawaran na makipag-coordinate sa Department of Budget and Management (DBM) para sa karagdagang pondo.

 

 

Ayon kay Bautista, hihingi sila ng tulong sa Pangulo para magkaroon ng karagdagang pondo para sa libreng sakay program ang DOTr.

 

 

Maaalala na pagkaupo sa pwesto ni Pangulong Bongbong Marcos kaniyang pinalawig pa ang free ride program sa EDSA Bus Carousel hanggang Disyembre 2022 at ang libreng sakay para sa mga estudyante sa mga linya ng tren sa Metro Manila. (Ara Romero)

Other News
  • PDu30, iginiit ang Asia-Europe partnership para sa mas malakas na socioeconomic recovery

    IGINIIT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagtutulungan ng Asya at Europa para sa inclusive socioeconomic recovery base sa prinsipyo ng “justice, fairness, and equality” upang matugunan ang hamon na bitbit ng coronavirus (COVID-19) pandemic.   Inihayag ito ni Pangulong Duterte sa Second Plenary Session ng 13th Asia-Europe Meeting (ASEM) Summit sa Malakanyang, araw ng […]

  • Transport groups atras muna sa taas pasahe

    UMATRAS na ang iba’t ibang transport groups sa hiling nila na maitaas ang singil sa pasahe sa mga pampasaherong sasakyan na nagrereklamo sa serye ng taas sa halaga ng petroleum products.     Ito ay makaraang makumbinsi ng Department of Transportation ang mga opisyal ng transport groups na Pasang Masda, Alliance of Transport Operators and […]

  • KRIS, sinagot ang speculation ng netizen na si HERBERT ang tinutukoy sa latest post; JOSH at BIMBY bumati ng ‘Happy Father’s Day’

    SA latest Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, muli siyang nag-update regarding sa kanyang health.     Ayon sa mommy nina Josh at Bimby, inulit ang ECLIA (Enhanced Chemiluminiscence Immunoassay) antibody test niya after na magpaturok ng COVID-19 vaccine.     “Jessica, not Patricia came back to repeat my ECLIA test… I […]