Karagdagang supply ng COVID vaccines para sa NCR, mid-July pa darating – Mayor Olivarez
- Published on July 8, 2021
- by @peoplesbalita
Sa ikalawa at ikatlong linggo pa ng Hulyo posibleng makarating sa mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ang kanilang karagdagang supply ng COVID-19 (Coronavirus Disease) vaccines.
Ayon ito kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na siya ring chairman ng Metro Manila Council (MMC), alinsunod sa pahayag ng Department of Health (DOH).
Sa oras na dumating na ang karagdagang supply nila ng COVID-19 vaccines, sinabi ni Olivarez na makakapagsimula na ulit sila nang pagbabakuna ng first dose.
Kamakailan lang ay ilang LGUs ang pansamantalang itinigil ang kanilang first dose vaccination dahil sa bumababang stock ng COVID-19 vaccines.
Ito ay kasunod na rin sa direktibang ibinaba ng national government na gamitin ang kanilang dalawang-linggong imbentaryo para sa second dose lamang dahil sa limitado pang supply ng bakuna.
Sa Parañaque, sinabi ni Olivarez na aabot na sa 200,000 na kanilang residente ay naturukan na ng first dose habang 65,000 naman ang nakatanggap na ng second dose.
Target ng lungsod na mabakunahan ang 465,000 nilang mga residente, o 70 percent ng 675,000 populasyon para maabot ang tinatawag na herd immunity. (Gene Adsuara)
-
Suhestiyong extension ng MRT-LRT ops, huwag agad ibasura
UMAPELA ang Akbayan Partylist sa Department of Transportation (DOTr) na pagisipan muli ang desisyon nitong ibasura ang suhestiyon na palawigin ang operating hours ng mga rail systems—LRT-1, LRT-2, at MRT-3. Hinikayat pa ng partylist ang ahensiya na makipagdayalogo sa mga commuters at sagutin ang kanilang hinaing. “Makinig at makisimpatiya naman ang DOTr […]
-
INSIGHT 360 Films, Releases Teaser MV for the RomCom film ‘Miss Q & A’
INSIGHT 360 Films has released a teaser music video for the upcoming romantic comedy film—Miss Q & A: Para Sa Magaganda Lang Ba Ang Love Life? —starring Kakai Bautista and Zoren Legaspi. Directed by award-winning filmmaker Lemuel Lorca and produced by Chris Cahilig, “Miss Q & A” tells the story of a romantically frustrated pageant trainer and […]
-
Sen. Pacquiao, hindi payag ng exhibition game
Ipinapasa-Diyos ni Senator Manny Pacquiao kung ilang laban pa ang gagawin. Sa interview, inihayag na fighting senator na in God’s will kung sino ang susunod niyang makakasagupa sa ibabaw ng ring. Nilinaw nito na wala pang final na decision na negosasyon sa sino mang boksingero pati ang magiging petsa ng laban. Inamin […]