• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Karapatan ng mga manggagawa na magwelga, aprubado sa Komite

INAPRUBAHAN  ng House Committee on Labor and Employment ang draft substitute bill sa House Bill (HB) 7043, na naglalayong palakasin ang karapatan ng mga manggagawa na magwelga.

 

 

Ipinaliwanag ni Deputy Speaker at TUCP Party-list Rep. Democrito Mendoza (Partylist, TUCP), may-akda ng panukala na, “The right to strike and to engage in concerted peaceful activity is a constitutional right,” at idinagdag niya na ang 1987 Konstitusyon ay isa lamang sa kakaunting konstitusyon na naggagawad ng naturang karapatan.

 

 

Sa ilalim ng panukala, ang pagpapatalsik sa manggagawa ay tatanggalin bilang ‘immediate disciplinary action for non-compliance of orders of the Secretary of Labor and Employment; ang mga manggagawa na nakagawa ng mga iligal na aksyon lamang ay hindi matatanggal sa trabaho, at ang paglahok nito sa welga ay hindi maaaring maging dahilan para ipataw ang disciplinary action; ang parusang pagkabilanggo sa mga paglabag ay hindi na kasama rito, at iba pa.

 

 

Binigyang diin ni Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) vice chairman Luis Manuel Corral na ang mga panukalang reporma ay may implikasyon sa pandaigdigang merkado ng negosyo at pagtatrabaho.

 

 

Ayon sa kanya, ang US global labor policy ay workers-centered, na siyang batayan sa mga negosasyon sa Indo-Pacific economic framework trade map. Aniya, ikokonsidera ng US Congress ang mga polisiya ng workers-centeredness kapag muli nitong pinahintulutan ang generalized system of preferences (USGSP).

 

 

Magpapairal din ang European Union na kanilang generalized system of preferences (EUGSP) sa kanilang bahagi.

 

 

Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan ng National Conciliation and Mediation Board (NCMB) at ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) sa 7043.

 

 

Sumang-ayon rin ang komite na pagsama-samahin ang mga HBs 839, 1678, 2291, 2547, 3242, 4191 at 6273, na inihain nina Reps. Christian Tell Yap, Patrick Michael Vargas, Eduardo ‘Bro. Eddie’ Villanueva, Keith Micah ‘Atty. Mike’ Tan, Yedda Marie Romualdez, Eric Go Yap, at Teodorico Haresco Jr. ayon sa pagkakasunod, na lahat ay naglalayong isainstitusyon ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced workers (TUPAD) Program ng Department of Labor and Employment.

 

 

Pagsasama-samahin din ang mga HBs 2600, 3387 at 4757, o ang panukala na mag-aamyenda sa RA 8759, o ang Public Employment Service Office (PESO) Act of 1999, na inamyendahan, na isasama ang entrepreneurship sa ilalim ng sakop ng batas. (ARA ROMERO)

Other News
  • Magalong sinopla si Abalos sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

    TILA kinontra ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang alegasyon ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na may “cover-up” o tinangkang pagtakpan ang P6.7 billion drug haul sa Manila noong 2022.     Inihayag ito ni Magalong kasunod ng iprini­sinta ni Abalos na CCTV footage kung saan makikita umano na dalawang opisyal at […]

  • Matapos na umani ng papuri sa ‘Linlang’: KAILA, masusubok naman ang galing sa historial film na ‘Pilak’

    UMANI ng papuri si Kaila Estada bilang isang mahusay na aktres sa online/TV series na ‘Linlang’, and this time, sa isang pelikula naman masusubok ang kanyang galing.     Sa historical film na kasalukuyang sinu-shoot ngayon na ‘Pilak’ ay unang beses na gaganap si Kaila sa isang dual role bilang babaeng nagpapanggap na lalaki.   […]

  • Russia, nag-anunsiyo ng humanitarian ceasefire sa Ukraine

    INIHAYAG ng Moscow ang isang humanitarian ceasefire sa Ukraine upang mabigyang daan ang pagsagawa ng paglikas ng civilian population.     Nagdeklara ng isang “regime of silence” ang Russian Federation at handang magbigay ng mga humanitarian corridor.     Ang civilian evacuations ay naganap lalo na mula sa bayan ng Sumy, kung saan umalis ang […]