• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasabay ng pagiging fashion icon: HEART, ibibigay ang lahat nang kaya niyang gawin

MALUWAG na tinanggap ni Heart Evangelista ang bago niyang tungkulin bilang presidente ng Senate Spouses Foundation, at nangakong manggagaling sa puso ang kaniyang mga gagawin.

 

 

 

 

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa ’24 Oras Weekend’ nitong Sabado, sinabing alam ni Heart na marami siyang matutulungan sa bago niyang role.

 

 

 

 

“I was very surprised. But you know, sa lahat naman ng bagay, kung ibinigay sa ‘yo, you have to fully accept. And you know, I never do anything half-baked, I’m always 100 percent. So gagawin ko kung ano ang kaya kong gawin,” sabi ni Heart.

 

 

 

 

Dagdag ni Heart, kakayanin niyang pagsabayin ang bagong responsibilidad at ang pagiging isang fashion icon.

 

 

 

 

Katunayan, aalis si Heart para sa Paris Fashion Week, ngunit sinabi niyang mapagsasabay niya ito sa pamamagitan ng masusing time management.

 

 

 

 

“From the heart lahat ng gagawin ko sa Senate Spouses Foundation po and I really want it to matter. I don’t know how much time I have so I will do my best.”

 

 

 

 

“Madami na actually. Pero I’d rather them see, mas gusto ko kaysa salita, gawa na lang,” sabi naman ni Heart tungkol sa kanilang mga plano para sa foundation.

 

 

 

 

Samantala, pang-apat si Heart sa Top 20 global celebrities in fashion and sportswear ng fashion report ng isang cloud-based performance benchmarking software.

 

 

 

 

Kasama ni Heart sa listahan ang ENHYPEN at NCT, pati na rin sina Dua Lipa, Becky G, Dwayne Johnson at Anne Curtis.

 

 

 

 

“It’s always a shock. But then you know, when you like something and you’re very authentic about something, about being yourself, hopefully laging ganoon that people would appreciate that,” sabi ni Heart.

 

 

 

 

***

 

 

 

 

PROUD father ang content creator na si Benedict Cua.

 

 

 

 

Pinost niya ang latest pictorial ng kanyang baby boy na si Aleck sa kanyang Instagram.

 

 

 

 

“My little dimsum boy during his newborn shoot,” caption pa niya.

 

 

 

 

Suot ni Baby Aleck ay all-white set with a red hat and a red vest at para siyang dimsum na nakalagay sa basket. Tawag sa kanya ng kanyang daddy ay Baobao, short for Xiao Long Bao, a delicious soup dimsum.

 

 

 

 

Sa kanyang vlog, sinabi ni Cua na binago ng kanyang baby ang kanyang buhay.

 

 

 

 

“Sometimes I would look at his hands and see my own hands in them. Dun ko na-realize na anak nga talaga kita at tatay na talaga ako.”

 

 

 

 

***

 

 

 

 

Ang ‘First Lady’ at iba pang GMA Network programs ay mapapanood na sa Viu simula sa June 17.

 

 

 

 

GMA Network, the Philippines’ top broadcast media company, and Viu Philippines, one of the leading Asian streamers in the market, continue their partnership para maihatid ang world-class programs sa mas malawak na audience.

 

 

 

 

Viu consumers can access more GMA Network programs and binge-watch for free on the platform.

 

 

 

 

Ilan pa sa mga teleserye na mapapanood ay ‘Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday’, ‘Hanggang sa Dulo ng Buhay Ko’, ‘Sahaya’, ‘Onanay’, ‘Pamilya Roces’ and ‘Ika-5 Utos.’

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • May 2022 polls ‘pinaka-matagumpay- DILG

    ITINUTURING ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na “pinaka-matagumpay” ang katatapos lamang na national ay local elections sa bansa.     Binasura ng DILG ang pag-iingay ng iilan na nagkaroon ng electoral fraud at iba pang uri ng dayaan.     Sinabi ni DILG spokesperson at Undersecretary Jonathan Malaya na ang alegasyon […]

  • PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF

    Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay.     Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta […]

  • 1K trabaho, alok ng BuCor

    KASABAY ng ika-117 anibersaryo ng Bureau of Corrections (BuCor) ngayong Lunes, magsasagawa rin ng job fair para sa 1,000 bakanteng puwesto.     Sinabi ni BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr., na may 1,000 bakanteng trabaho ang nakahanda na sa bureau para sa ‘new blood’ sa organisasyon na magsisilbing ‘nucleus’ ng ahensiya.     Inaanyayahan ang […]