Kasado at mas maganda sana ang repertoire: SHARON, nagsalita na sa pagkakaudlot ng second concert nila ni GABBY
- Published on March 15, 2024
- by @peoplesbalita
NAGSALITA na si Megastar Sharon Cuneta tungkol sa hindi pagkakatuloy ng muling pagsasama nila ng dating asawa na si Gabby Concpecion after ng matagumpay nilang Dear Heart concert noong October 2023.
Hindi naman kaila sa lahat na nagkaroon na naman ng hidwaan ang dalawa at balita ngang hindi na naman sila nag-uusap.
Na-interview nga si Sharon sa 5th anniversary celebration ng In Life Sheroes, na isang women empowerment movement ng Insular Life, na ginanap sa Manila Peninsula Hotel sa Makati City, noong Martes, March 12, 2024.
“The next show was supposed to be called P.S. I Love You,” sagot ni Sharon nang tanungin siya tungkol sa naudlot na concert nila ni Gabby.
Kasado na raw ito, pag-amin pa ni Mega, “The repertoire was supposed to be much better than ‘Dear Heart’. It was a beautiful show. Kasado na. Everyone was ready.
“And apparently, negotiations didn’t go through—okay, I won’t say it—but let’s just say hindi siya natuloy not because of us.”
Dagdag pa niya, “I was so excited and ready to do it. Sayang. Nanghihinayang ako.
“Because I made so many of our fans happy, and I wanted to continue making them happy.
“So, I guess that’s it. Not my fault.”
May pahayag din si Mega tungkol sa kanyang viral IG post na kung saan naputol ang ulo ng asawa na si Kiko Pangilinan.
Pag-amin niya, nag-aaway daw sila ng time na ‘yun at para raw siyang tanga nang nai-post ang larawan ng pamilya.
Pero never daw silang nag-away tungkol sa sinasabing third party.
“Kiko and I have problems like any couples. But it is never because of someone else.”
***
IBINASURA ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang Motion for Reconsideration na inihain ng Cignal TV Inc. at ang TV Program nito na “Private Convos with Doc Rica” na naglalayong bawiin ang desisyon ng Board noong 15 Enero 2024.
Sa desisyon nitong inilabas noong Marso 14, 2024, kinatigan ng Board ang hatol nito matapos makita ang palabas na may tahasang nilalaman sa mga graphic na karanasang sekswal na inihayag ng mga bisita nito sa mga oras ng panonood ng bata.
“The welfare of the Filipino child should not be undermined. As a Regulatory and Developmental Board, the MTRCB ensures that content under its jurisdiction fosters positive values and contributes to the moral development of children,” pahayag ni MTRCB Chairperson at Chief Executive Officer Lala Sotto.
Ayon sa Board, ang desisyon nito ay naaayon sa tungkulin ng upon bilang “parens patriae” upang protektahan ang mga bata mula sa hindi naaangkop na nilalaman na maaaring makasama sa pagsulong ng mga dekalidad na programa sa telebisyon at proteksyon ng moral na pag-unlad ng mga bata.
Napanatili ng Board ang orihinal na posisyon nito, na nagsasaad na ang programa sa TV ay purong umaapela sa “pruent interest” na lumalabag sa P.D. No. 1986.
Ang Board ay nanatiling hindi kumbinsido sa mga pahayag ng mga Respondent at inulit na ang paggamit ng wikang puno ng kasarian at tahasang mga talakayan sa mga sekswal na karanasan ay walang lugar sa mga oras ng panonood ng bata.
(ROHN ROMULO)
-
Isa sa pinaka-kontrabida sa ‘Black Rider’: GLADYS, proud na proud kaya all out ang support kay RURU
NANINIWALA raw si Christian Bables na pwede naman magbigay ng komento constructively, pero sa maayos na paraan. Of course, ang binabatikos na pag-arte ni Anji Salvacion sa ‘Linlang’ ang isyu. “In a nice way, everything… ako, naniniwala po ako na lahat po ay nadadaan sa magandang pananalita. Palagi kong sinasabi na meron tayong choice. “Ang […]
-
Pitong NBA players, positibo sa Covid
Pitong NBA players, kasama si Denver Nuggets All-Star center Nikola Jokic, ang nagpositibo sa coronavirus o mas kilala sa tawag na Covid-19. Tanging si Jokic lang sa pitong manlalaro ang pinangalanan sa mga nagpositibo at ngayo’y naka-quarantine sa Serbia, ayon sa ulat. Bukod kay Jokic, dalawa pang miyembro ng Phoenix Suns ang naitalang […]
-
Mahigit P1.1-B halaga ng ayuda naipamahagi na
Iniulat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na halos 1 milyong low-income na mga Pilipino na naapektuhan nang pagpapatupad ng enhanced community quarantine (ECQ) sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang ayuda. Aabot umano ng mahigit isang bilyong piso ang naipamigay ng nasabing ahensya. Batay sa […]