Kasama ang furnitures at parking space: Posh condo unit ni CARLA, binebenta na ng below market value
- Published on March 9, 2022
- by @peoplesbalita
MAY Instagram post si Kapuso actress Carla Abellana, na for sale ang kanyang posh condominium unit at The Grove by Rockwell in Pasig City.
Kasama na raw sa selling price ang lahat ng furnitures, ganoon din ang parking space na umaabot ng one million pesos.
Reportedly, okey din kay Carla kung gustong i-rent lamang ang kanyang unit: “You can rent this beautiful property. And yes, everything you see inside the condo unit comes inclusive.
“It’s fully (and excessively) furnished. If they are not your type, then go ahead and sell them to make money. It’s totally up to you.”
Ang unit daw ay below market value now. Kung sino ang interested, pwede ninyo silang ma-contact, nasa Instagram @carlaangeline ang pwede ninyong tawagan.
***
FOR Kapuso young actor Kelvin Miranda, sa ilang projects na ring nagawa niya sa GMA Network, pinaka-mature role na ang character na gagampanan niya sa second episode ng Mano Po Legacy: Her Big Boss.
“Ako po si Nestor Lorenzo sa serye, ang ideal boyfriend ni Irene Pacheco, played by Bianca Umali,” pagkukuwento ni Kelvin.
“Most mature role dahil po malayung-malayo ang pagkatao ni Nestor kumpara kay Kelvin Miranda. Para magampanan ko ang role, binalikan ko kung ano ‘yung mga experiences ko sa buhay na makakatulong sa pagsasabuhay ko sa character ni Nestor.
“Kaya po, challenge sa akin ang pag-portray ko sa role na dapat ay katanggap-tangap sa TV audience. Nag-research pa ako at pinag-aralan din ang role ni Bianca para hindi ako malayo sa edad nila rito ni Ken Chan.
“Pinag-aralan ko ang character ni Nestor kung paano siya mag-isip, kung paano siya kumilos, kung paano siya makipag-connect sa mga taong nami-meet niya, na talagang ‘ideal man’ para kay Bianca. Sana po ay naibigay ko ang character ni Nestor sa mga manonood.”
Ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, ay isang romantic-comedy series tungkol sa pag-ibig, pamilya, at tradisyon ng mga Filipino-Chinese. Kasama rin sa serye sina Teejay Marquez, Pokwang, Ricardo Cepeda, Marina Benipayo at ilan sa mga Sparkling GMA Artists.
Sa Monday, March 14, ang world premiere ng serye, 9:35 pm, sa GMA-7, pagkatapos ng First Lady.
***
HALOS wala namang pahinga si Kapuso actress-comedian Pokwang, simula nang lumipat siya sa GMA Network.
Sunud-sunod ang paggi-guest niya sa mga shows ng GMA, drama man o comedy, at regular din siyang napapanood every Saturday sa Pepito Manaloto, Ang Unang Kuwento, at every Sunday naman sa All-Out Sundays.
Kababalik din lamang ni Pokwang mula sa Dubai, UAE, matapos siyang mag-show doon last March 7, para maka-abot sa virtual mediacon ng kanyang first ever Kapuso drama series, ang second episode ng Mano Po Legacy na ‘Her Big Boss’.
“I will play the role of Becca Pacheco, a devoted single mom ni Irene, played by Bianca Umali,” pakilala ni Pokwang.
“Thankful ako sa GMA na binigyan ako ng ganitong project.”
Pero hindi lamang sa GMA mapapanood si Pokwang, dahil may cooking show siya, ang Kusina ni Mamang, na mga fresh episodes na ang ipi-present niya simula sa Saturday, March 12, sa CH. 2 ng Cignal TV.
(NORA V. CALDERON)
-
PRESYO NG KARNE NG BABOY SA MGA PALENGKE MULING SUMIPA SA P400 BAWAT KILO
MULING sumipa ang presyo ng karne ng baboy sa P400 bawat kilo sa ilang palengke sa Metro Manila. Ito ay sa mga palengke ng Commonwealth Market sa QC, Mega Q-Mart, Trabajo Market sa Sampaloc, Manila at Acacia Market sa Malabon. Habang sa Blumentritt Market ay P380 kada kilo ng liempo at P360 sa kasim […]
-
NAGSAGAWA ng kilos-protesta
NAGSAGAWA ng kilos-protesta ang mga miyembro ng drivers at operators ng Public Utility Vehicle (PUV) sa Monumento Circle, Caloocan City bilang bahagi ng isasagawang malawakang transport strike sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila para tutulan ang PUV phaseout. (Richard Mesa)
-
FIFA pinuri ang Filipinas matapos na makasama sa unang pagkakataon sa World Cup
PINAPURIHAN ni FIFA General Secretary Fatma Samoura ang Philippine womens’ Football team dahil sa pagpasok sa unang pagkakataon sa World Cup. Kabilang kasi ang Pilipinas at pitong iba na kinabibilangan ng Haiti, Morocco, Panama, Portugal, Ireland, Vietnam at Zambia sa mga bansa na unang sasabak sa World Cup. Gaganapin ang FIFA […]