Kasama na sa pagtakbo
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAILANG sesyon na po ang inyong lingkod sa jog-run na sinimulan ko noong Mayo.
Kahapon ng umaga, naka-30 minutes ako.
May kahirapan ang may nakakabit na face mask kapag nag-i-sprint ka, run o kahit jog lang.
Kaya ang ginagawa ko po kung walang katabi, kasalubong o masasalubong na tao sa tinatahak kong lansangan, binababa ko nang kaunti mask hanggang sa lumabas ang kapirasong butas sa ilong.
Pero binabalik ko agad ang face mask kapag may nakikita na akong makakasalubog na tao, kahit sasakyan pa para masiguradong proteksyon sa coronavirus disease 2019.
Kakambal na dear marathoners, runners ang face mask sa ating training at kapag nagbalik na ang mga road race.
Kahit po mahirap mag-face mask para iwas Coronavrus Disease 2019.
***
Kagaya po ninyo, dinadalangin kong matapos na ang Covid-19 hindi lang sa ating bansa, kundi sa sandaigdigan para mabalik na sa normal ang lahat, kabilang na ang sports events.
Mag-ingat po tayo araw-araw, panatilihin pong malakas ang ating katawan at kalusugan.
***
Kung may itatanong o reaksiyon po kayo, mag-email lang po sa jeffersonogriman@gmail.com.
Hanggang bukas uli mga ka-People’s BALITA. (REC)
-
PBBM, tinintahan ang dalawang batas na magpapatibay sa karapatan ng Pinas sa MARITIME Zones nito
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes ang dalawang batas na magpapatibay sa ‘entitlement and responsibility’ ng Pilipinas sa maritime zones nito. NILAGDAAN ng Pangulo ang Philippine Maritime Zones Act at ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act, na aniya’y “significant laws that emphasize the importance of our maritime and archipelagic identity.” […]
-
Kuwaiti foreign minister, kinondena ang pagpatay sa OFW na si Ranara
KINONDENA ng Minister of Foreign Affairs na si Kuwait Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ang brutal na pagpatay sa Overseas Filipino Worker na Jullebee Ranara sa Kuwait. Tinanggap ni Sheikh Salem si Philippine Charge d’ Affaires to Kuwait Jose A. Cabrera III, araw ng Linggo sa Ministry of Foreign Affairs (MOFA). […]
-
Naging best friend and confidante na maaasahan: KRIS, tinapos na agad ang pakikipagrelasyon kay VG MARK
SA Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino, isiniwalat niya sa mahabang post na “hiwalay” na raw sila ng kanyang boyfriend, bestfriend, at confidante na si Batangas Vice Governor Mark Leviste. Kasama ang isang larawan nila ni VG Mark, sinimulan niya ito ng, “This is a long overdue Gratitude post. […]