• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama si Marian para mag-pin ng badge at medal… DINGDONG, may bago na namang achievement bilang reservist

DAPAT talagang ipagmalaki ni Kapuso Primetime King at Box-Office King na si Dingdong Dantes ang kanyang latest achievement sa pagiging reservist ng Philippine Navy.

 

 

Isa na ngayong certified naval combat engineering officer ang award-winning actor, matapos nang matinding training na kanyang pinagdaanan.

 

 

Last Monday, March 25, tinanggap ni Dingdong ang kanyang certificate of completion sa Brigade Training and Doctrine Center (Naval Combat Engineer Officer Basic Course Class 07-23), sa Fort Bonifacio, Taguig City.

 

 

Kasama niya siyempre sa seremonya ang kanyang asawa na si Marian Rivera na nag-pin sa kanya ng “Rifle Expert Badge” at “Kapanalig Medal”.

 

 

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ng host ng ‘Family Feud’ at ‘Amazine Earth’ ang ilang photos na kuha sa naganap na seremonya sa Fort Bonifacio.

 

 

Sa una niyang post, may caption ito ng, “When I left the house this morning, Sixto was surprised to see me in this gala uniform. He asked, ‘Dada, where are you going?’

 

 

“I said that I would attend my graduation rites in the Seabees Headquarters.

 

 

“From the second floor, to my surprise, I heard the strong, coarse voice of Zia screaming, ‘What? You will graduate? Are you a student?’ (laughing and crying emojis).”

 

 

Dagdag pa ni Dong, “I just smiled and answered that, yes, even old people can still study and finish anything as long as they want to, because learning should never stop.

 

 

“As a reservist, it is a privilege to be given these opportunities to acquire new skills which can definitely enhance many aspects of my life as a professional, father, and husband.

 

 

“And what an honor to receive the certificate of completion from King Bee himself, Commodore Rolando Sarmiento.”

 

 

Next IG post niya ay ang photo nila ni Marian, at nagbigay din siya message para kay Kapuso Primetime Queen na nagbabalik-serye ‘My Guardian Alien’ na magsisimula na sa Monday, April 1, “Major shoutout sa aking super supportive na Misis for showing up today and pinning the ‘Rifle Expert Badge’ and the ‘Kapanalig Medal’ on me.

 

 

“I’m frozen in place—wouldn’t want to risk becoming a human pincushion!”

 

 

Bumuhos ang pagbati sa comments section na kung saan puring-puri nila ni Dingdong, pati na rin si Marian na super supportive talaga bilang asawa.

 

 

***

 

 

NGAYONG Linggo (March 31), samahan si Atom Araullo na kilalanin ang mga kababayan nating may matayog na pangarap sa mundo ng boxing sa dokumentaryong “Totoy Bagsik” ng “The Atom Araullo Specials.”

 

 

Hindi maitatangging masidhi ang pagmamahal ng mga Pilipino sa boxing, sa atin nga nagmula ang ilang pinakakamamagaling na boksingero sa mundo tulad ni Manny Pacquiao.

 

 

Sa probinsiya ng Masbate, hindi lang mga matatanda ang sumusubok gumawa ng pangalan sa ganitong sports, maging ang ilang bata.

 

 

Pagkatapos ng klase, diretsong uwi sa bahay ang siyam na taong gulang na si Nilo. Hindi paglalaro ang inaatupag niya kundi ang pag-eensayo ng boksing. Walang boxing gloves si Nilo, mga retaso ng tela lang ang binabalot niya sa kanyang mga kamay at ang kanyang nagsisilbing punching bag, mga puno ng saging kalapit ng kanilang bahay. Pursigido ang kanyang pag-eensayo dahil nakatakda siyang sumabak sa isang exhibition match sa kanilang lugar.

 

 

Puspusan ang training ni Nilo. May nais daw kasi siyang gawin sa premyo kung sakaling manalo siya sa sasalihang palaro sa kanilang probinsiya.

 

 

Abangan ang dokumentaryong “Totoy Bagsik” ngayong Linggo (March 31) sa 2024 NYF TV & Film Awards finalist na “The Atom Araullo Specials,” 3 PM, pagkatapos ng “Recipes of Love” sa GMA.

 

 

Maaari ring mapanood ng Global Pinoys ang “The Atom Araullo Specials” sa GMA Pinoy TV.

 

 

Para sa ibang updates sa GMA Network, bisitahin ang www.GMANetwork.com.

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Delta variant ‘dominanteng’ uri na ng hawaan ng COVID-19 sa Pilipinas — WHO

    Karamihan na sa mga nagkakahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas ay dahil sa mas nakahahawang Delta variant, pagkukumpirma ng kinatawan ng World Health Organization sa Pilipinas kahapon, Martes.     Bagama’t mas nakahahawa na sa karaniwan ang Alpha at Beta variants ng COVID-19, 60% na “mas transmissible” dito ang Delta variant, ayon sa pahayag ng Department of Health at Vaccine […]

  • Sa halip na tumakbong senador: ISKO, gustong maglingkod uli bilang mayor ng Maynila

    NAKATAKDANG magtapos ngayong Biernes ang “Pira-Pirasong Paraiso” kung saan isa sa mga bida si Elisse Joson .    Kuwento pa ni Elisse sa mediacon ng nasabing serye ng Kapamilya network na super enjoy daw siya sa kanyang pagiging kontrabida bilang si Hilary.   “It was so fun and very personal that I was able I […]

  • Kung plantsado na ang kasal nina Shaira at EA: LEXI, three years palang karelasyon si GIL kaya ‘di nagmamadali

    KUNG plantsado na ang kasal nina Shaira Diaz at EA Guzman sa 2026, hindi naman nagmamadali sina Lexi Gonzales at Gil Guerva.         Tatlong taon na ngayon ang relasyon ng dalawa pero ayon kay Lexi…       “I think it’s because we’re just taking it easy, kasi we’re not rushing into […]