• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasama sina Gretchen at ibang PIE Jocks sa ‘PIE Channel’: ELMO, masaya na makatrabaho si VIVOREE na nakasama sa acting workshops

MAKABULUHANG kwentuhan at masayang kantahan ang hatid ng PIE (Pinoy Interactive and Entertainment) Channel sa viewers mula umaga hanggang gabi dahil sa mas pinasiksik na palabas ng BRGY. PIESILOG, PIEBORITO, AT PIE NIGHT LONG.

 

 

Tuwing umaga (10 am – 12 nn), makakasama ng viewers ang ‘brunchkada’ nina Gretchen Fullido, Abby Trinidad, Frances Cabatuando, Mayor TV, Tristan Ramirez (Lunes hanggang Sabado) Madam Inutz, Migs Bustos, at Nicole Cordovez (tuwing Linggo) sa BRGY PIESILOG na layuning maglingkod sa bayan sa pamamagitan ng paghatid ng mahalaga at praktikal na impormasyon sa viewers.

 

 

Mula Lunes hanggang Sabado, mapapanood ang “Eto na Nga,” kung saan malalaman ng publiko tulad ng paano makahanap ng trabaho, mga importanteng public service announcements mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, NGOs, at advocacy groups.

 

 

Praktikal na tips sa buhay naman ang hatid ng “Life Guro,” samantala pwedeng humingi ng advice ang mga taong may pinagdadaanang pagsubok sa “Sumpungan HQ.”

 

 

Ibibida naman tuwing Linggo ang iba’t ibang klase ng negosyo at paninda sa “Pasok mga Suki,” habang libreng on-air consultations kasama ang guest doctors at kaalamang pangkalusugan ang itatampok sa “Dr. Care.”

 

 

Ayon pa kay Gretchen, marami raw ang dapat abangan sa BRGY. PIESILOG. “Makaka-expect kayo ng practical life tips, life hacks, Gustong-gusto ko ‘yung ‘Life Guro’ kasi meron tayong life coach.”

 

 

Kwento naman ni Migs na mas relaxed ang kanilang hosting style sa PIE. “Siguro mas casual compared sa news style. Talagang mas friendly, mas engaging to the audience. It encouraged us to loosen up more, to be able to really connect with the audience.”

 

 

Pagsapit ng tanghali, samahan sina Janine Berdin at Raco Ruiz para sa PIEBORITO (Monday to Sunday, 12 nn – 4 pm) na magpapakilala ng mga bagong music video sa “Playlist Natin!.”

 

 

Mapapanood din ang kulitan ng PIE jocks sa likod ng kamera sa “PIE Extra Slice” at mababalikan ang kilig sa rerun ng “On The Wings of Love” at “Iba: Long Cut.”

 

 

Nagbahagi rin si Raco tungkol sa una niyang salang bilang PIE jock. “Actually when I started hosting on PIE sinabi ko kay Direk na ‘Direk, tama ba ko para dito?’ I was always tripping over my words. Sabi niya, ‘Character mo yun. Make it your own. Be yourself. That’s gonna be your branding.”

 

 

Makakasama naman kada gabi (8 pm – 11 pm) sina Aaron Maniego, Karen Bordador, Renee Dominique (Lunes hanggang Biyernes), Elmo Magalona, at Vivoree (tuwing Linggo) sa PIE NIGHT LONG.

 

 

Sa segment na “How to B U?,” masusubukan ng PIE NIGHT LONG jocks ang buhay ng isang manggagawa. Itatampok naman sa “Moment Mo” ang buhay ng isang artista o ordinaryong tao, habang love at life advice naman ang hatid ni Karen Bordador sa “Tender Love & Karen.”

 

 

Makiki-marites din ang PIE jocks dahil pag-uusapan nila ang mga kontrobersyal na isyu sa “UZI.” Tuwing Linggo, kantahan at chikahan naman ang magaganap kasama ang musical guests ang hatid ng “PIE NIGHT LONG Sessions.”

 

 

Masaya naman si Elmo na makatrabaho ang co-PIE jock niya na si Vivoree. Sabi niya, “Masaya ako na I got to work with Vivoree kasi before nakasama ko siya in acting workshops. Since we both love music ni Vivoree, we work very easily dito sa PNL sessions.”

 

 

Bukod sa BRGY PIESILOG, PIEBORITO, AT PIE NIGHT LONG, may bagong shows at PIE jocks din ang PIE para umapaw ang saya araw-araw. Nariyan sina Anji Salvacion, Eris Aragoza, Ralph Malibunas, Sam Bernardo (Lunes hanggang Sabado) sa PIEGALINGAN, Gello Marquez, Jeremy G, Reign Parani, at Vivoree (Linggo) sa PAK! Palong Follow; Eian Rances, Negi, Sela Guia, Kevin Montillano, Nicki Morena, Ruth Paga, Nonong Ballinan (Lunes hanggang Sabado) Inah Evans, Kid Yambao, Patsy Reyes, at Jackie Gonzaga (tuwing Linggo) sa PIENALO PINOY GAMES; at sina Melai Cantiveros, Jhong Hilario, Kaila Estrada, at ex-PBB housemates sa “The Chosen One.”

 

 

Ang PIE ang unang multiscreen, real-time interactive TV channel ng bansa, kung saan pwedeng sumali at manalo ng cash prizes ang araw-araw.

 

 

 

Hanapin ang PIE channel sa pag-scan ng iyong digibox. Available rin ito sa worldwide sa website (pie.com.ph), YouTube (http://youtube.com/iampieofficial), BEAM TV, Sky Cable Channel 21, at Cablelink Channel 100. Pwede ring mapanood ang PIE live sa GLife ng GCash app. Ang PIE ay hatid ng ABS-CBN, Kroma Entertainment, BEAM, at 917Ventures. Sundan ang PIE (@iamPIEofficial) sa Facebook, Twitter, Instagram at TikTok para sa mga update.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mabilis na hustisya sa 4 na sundalong na-ambush, iniutos ni PBBM

    KINONDENA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pananambang sa apat na sundalo sa Maguindanao del Sur.     Sa official X o dating Twitter account ni Marcos, sinabi nito na lalo pang pag-iigihan ng pamahalaan na labanan ang terorismo sa bansa.     “We strongly condemn the cowardly ambush that targeted four of our […]

  • BARBIE, ‘di na malilimutan dahil sa wakas nakatrabaho na ang iniidolo na si CHRISTOPHER

    VERY excited na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na tuloy na ang airing ng I Can See You: The Lookout.     Isa ito sa bagong episode sa second season ng drama anthology, na dapat ay ipinalabas noong Monday, April 12, pero dahil sa biglaang pagla-lockdown sa National Capital Region (NCR), hindi nila natapos […]

  • Kahit may banta pa ng Covid-19: Wala na tayong gagawing lockdown-PBBM

    WALANG balak si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magpatupad pa ng lockdown sa bansa sa kabila nang nananatili pa rin ang banta ng COVID-19 lalo’t may mga nadidiskubreng bagong variants ng coronavirus.     Sinabi ni Pangulong Marcos sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, araw […]