Kaso ng COVID-19 babagsak sa 5K kada araw – OCTA
- Published on February 3, 2022
- by @peoplesbalita
NANINIWALA ang OCTA Research Group na bababa sa 5,000 na lang kada araw ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OCTA fellow Guido David, base sa kanilang projection, sa kalagitnaan ng Pebrero ay posibleng hindi na umabot sa 10,000 kada araw ang kaso at mas bababa pa sa huling bahagi ng Pebrero.
Inihalimbawa ni David ang mabilis na pagbagsak ng kaso ng COVID-19 sa South Africa at maging sa Metro Manila.
Sinabi rin ni David na maging sa mga rehiyon ay mabilis na rin ang pagbaba ng kaso ng impeksiyon.
Nabawasan na rin aniya ang naitatalang kaso sa Visayas at Mindanao katulad ng Cebu City, Tacloban, Iloilo, at Davao City.
Naniniwala rin si David na hindi na rin dapat ipag-alala ang pagtaas ng bilang dahil sa BA.2 Omicron sub-variant pero dapat pa rin aniyang mag-ingat dahil hindi rin imposible na magkaroon ng “major resurgence.”
Dapat aniyang ipagpatuloy ang pagbabakuna kabilang ang pagpapaturok ng boosters shots para hindi magkaroon ng biglang pagtaas ng kaso.
“Sinasabi lang natin na it’s unlikely na magkaroon ng resurgence, as long as efficacious pa rin iyong mga bakuna natin. Kaya kailangan siyempre patuloy na magpa-booster shots ang mga kababayan natin para tumaas ulit iyong efficacy nila, iyong protection nila against the virus,” ani David. (Daris Jose)
-
EJ Obiena nakasungkit uli ng silver medal sa Germany
Sinimulan ni Pinoy pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang 2023 indoor season na may silver medal finish sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany. Ang Olympic pole vaulter ay nakakuha ng 5.77 meters na nagtapos bilang isang runner-up habang nanguna ang American na si Sam Kendricks sa torneo na may 5.82m sa isang pagtatangka […]
-
PBBM, sa usapan ukol sa pagtanggap ng Afghans sa Pinas: May progreso pero may balakid
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mayroon ng progreso sa isinagawang pag-uusap ukol sa kung papayagan ng pamahalaan na pansamantalang manatili sa Pilipinas ang mga Afghan nationals gaya ng naging kahilingan ng Estados Unidos. Sinabi ng Pangulo na walang deadline sa pagdesisyon sa usaping ito. Aniya, nagpapatuloy ang konsultasyon sa […]
-
Mga fans at netizens, halu-halo ang naging reaction: SIXTO, niregaluhan ng wooden ‘Pinocchio’ nina DINGDONG at MARIAN
PARA sa fourth birthday ni Sixto IV last Sunday, April 16, isang wooden Pinocchio angregalo nina Marian Rivera at Dingdong Dantessa bunso nila. Favorite daw kasi ni Sixto na panoorin ang “Pinocchio”, ayon kay Dingdong. Kasama ang series of photos, nilagyan ito ng caption ng host ng top-rating show na ‘Family Feud’ […]