Kaso ng COVID-19 posibleng pumalo sa 35K sa eleksyon – DOH
- Published on April 18, 2022
- by @peoplesbalita
MAAARING magkaroon ng halos 35,000 aktibong kaso ng COVID-19 sa araw ng eleksyon sa Mayo 9, dahil sa patuloy na pagbaba nang pagsunod sa minimum public health standards (MPHS), ayon sa Department of Health (DOH).
Sinabi ng DOH na sa naging pagtaya ng mga eksperto sa epidemiologic modelling, ang bansa ay maaaring nagkaroon ng mababang bilang ng mga kaso mula Marso hanggang Abril subalit dahil sa pagbaba naman ng pagsunod sa MPHS ay maari na itong magbago.
Ang mga rate ng pagsunod sa panahong ito ay tinatayang nasa 7 porsiyento sa buong bansa, at -12 porsiyento sa National Capital Region (NCR).
Batay sa modelong Susceptible-Exposed-Infectious-Recovered with Vaccination and Reinfection (SVEIR) na ginamit ng sub-Technical Working Group on Data Analytics (sTWG DA) at ang Feasibility Analysis of Syndromic Surveillance using Spatio-temporal Epidemiological Modeler for Early Detection of Diseases (FASSSTER) Team, ang pagbaba sa MPHS compliance ay magiging dahilan sa pagtaas ng mga bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.
Ayon sa DOH na inaasahang ang pagbaba ng 20 porsiyento sa pagsunod sa MPHA sa national level ay posibleng humantong sa humigit-kumulang 34,788 aktibong kaso sa kalagitnaan ng Mayo. (Daris Jose)
-
PBBM, nananatiling tikom ang bibig sa kung sino ang susunod na magiging Kalihim ng DILG
MAY DALAWANG personalidad ang nasa shortlist na pagpipilian ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., para ipalit kay Benhur Abalos bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nalalapit na kasi ang pagbibitiw sa puwesto ni Abalos dahil maghahanda na siya sa kanyang pagtakbo bilang senador sa midterm elections sa susunod na taon. […]
-
2,550 sekyu, TNVS drivers, janitors tumanggap ng ayuda sa AKAP
UMABOT sa 2,550 Navoteño security guards, Transport Network Vehicle Services o TNVS drivers, at janitors ang nakatanggap ng tulong pinansyal sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos Ang kita Program o AKAP. Binisita at kinamusta ni Mayor John Rey Tiangco ang pamamahagi ng tulong pinansyal kung saan bawat benepisyaryo ay nakatanggap ng tig-P3,000. […]
-
MAVY, parang inamin na may relasyon na sila ni KYLINE dahil sa kanyang pinost
MAG-POST ba naman si Mavy Legaspi ng picture ng isang mukha ng babae na kalahating lips at highlight ang dimples nito. Hindi man kita ang buong mukha, e, makikilala naman talaga na walang iba ito kung hindi si Kyline Alcantara. At ang pa-caption ni Mavy, “her. her smile. her dimples. Yup, […]