• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kaso ng COVID-19, sisipa ngayong taglamig – WHO

INAASAHAN  na ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng mga bagong kaso sa iba’t ibang panig ng mundo sa mas malamig na panahon na magiging dahilan ng indoor activities habang nasa ilalim ng pinaluwag na health protocols.

 

 

Sa lingguhang briefing, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, ilang bansa na sa Europa ang nag-uulat ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 na humantong din sa mas maraming naoospital at pagkamatay.

 

 

Sinabi ni Ghebreyesus na ang Omicron pa rin ang karamihan sa impeksyon, bagamat may sinusubaybayan pa rin na 300 subvariants ang mga scientists.

 

 

“So, we continue to call on all countries to increase surveillance, testing and sequencing, and to ensure the most at-risk groups are vaccinated,”panawagan ni Ghebreyesus.

 

 

Hinimok naman ni Infectious diseases specialist Dr. Rontgene Solante ang publiko na magpa-booster na dahil karamihan sa mga pasyente na naospital ay walang booster shots.

 

 

Sa Pilipinas, nasa 93.81 % ng 73.3 milyong Pinoy ang fully vaccinated nitong Oktubre 6, subalit nasa 25.62 % ng general population ang nabigyan ng first booster o 20 milyong Pinoy.

 

 

Bumababa na aniya ang immunity ng mga naturukan lalo na sa may anim na buwan nang nakalipas bakunahan kaya dapat na maging maingat at magsuot ng face mask, ani Solante.

 

 

Samantala, hinikayat din ni Ghebreyesus ang publiko na magpasaksak ng flu vaccine dahil nagsisimula na ang panahon ng Northern hemisphere influenza.

Other News
  • Relationship status ni PBBM sa pamilya Duterte, ‘It’s complicated.’

    “IT’S COMLICATED.”     Ganito ilarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang kanyang relasyon sa pamilya Duterte.     Tinanong kasi ang Pangulo sa Foreign Correspondents Association of the Philippines’ (FOCAP) presidential forum sa Manila Hotel kung ano na ang kalagayan ng kanyang relasyon sa pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Inamin […]

  • WBA nag-sorry, ‘Champion for Life’ award igagawad kay Pacquiao

    Humingi na nang paumanhin ang World Boxing Association (WBA) kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos na bawiin ang kaniyang boxing belt dahil sa hindi pagiging aktibo sa boxing.     Sinabi ni WBA President Gilbert Mendoz na nagkaroon lamang sila ng kalituhan tungkol sa “super” WBA welterweight title.     Kasabay din nito ay […]

  • P11.6B na performance-based bonus para sa 900K school workers, inilabas – DBM

    IPINALABAS na ng Department of Budget and Management (DBM)  ang  P11 billion para sa  budgetary requirement para sa  performance-based bonus (PBB) ng mahigit sa  900,000 personnel sa iba’t ibang public elementary at secondary schools sa ilalim ng Department of Education (DepEd).     Sinabi ng DBM  na may kabuuang  P11.6 billion ang ipinalabas para sa […]