KASO NG COVID SA MPD, UMABOT NA SA 77
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa 77 ang kaso ng tinamaan sa Covid 19 sa hanay ng kapulisan ng Manila Police District matapos itong madagdagan .
Ayon kay MPD chief Police Brig. Gen. Leo Francisco na karamihan sa mga pulis na nagpositibo sa sakit ay mula sa MPD station 11 sa Binondo.
Ayon pa kay Francisco, sa MPD station 11 lamang ay nakapagtala na ng 59 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga pulis.
Kaya naman nanatiling nakalockdown ang istasyon bagamat mayroon lamang nakaduty na isa hanggang dalawang pulis para magbantay.
Ilan sa mga tinamaan ng sakit ay nasa Delpan quarantine facility kung saan sila nagpapagaling.
Ang ibang mga pulis lalo na ang closed contacts ng mga positibong kaso, o may sintomas ay pinapa-swab test, na sagot ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Sa MPD headquarters naman, halos araw-araw na nagsasagawa ng fogging/disinfection, na isa sa precautionary measures kontra COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
Makabuluhan ang selebrasyon dahil nakapiling ang mga magsasaka: SHARON, inamin na best wedding anniversary nila ito ni Sen. KIKO
SUNOD-SUNOD ang naging Instagram post ni Megastar Sharon Cuneta yesterday, April 28 na kung saan sini-celebrate ang 26th wedding anniversary nila ni Sen. Kiko Pangilinan na tumatakbong Vice President at ka-tandem ni VP Leni Robredo na bilang President naman. Unang post ni Mega kasama ang two wedding photos nila, “Happy 26th Wedding Anniversary […]
-
P20 kada kilo ng bigas, nabili sa “KADIWA NG PANGULO” sa Albay
NAKAPAGBENTA ang ilang nagpartisipang stalls sa ilalim ng “Kadiwa ng Pangulo” ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng P20.00 kada kilo ng bigas sa Bicol Region sa idinaos na paglulunsad nito noong nakaraang linggo. Sinabi ng National Irrigation Administration (NIA) na inilunsad nito ang Kadiwa ng Pangulo sa Albay-Catanduanes Irrigation Management Office (ACIMO) […]
-
Taiwan minaliit ang ginawang 3-day simulation target strikes ng China
HINDI nagpahayag ng pagkatakot ang Taiwan sa ginawang tatlong araw na simulation target strikes ng China. Ayon sa defence ministry ng Taiwan na lalo pa nilang papalakasin ang kanilang kahandaan sa pakikipagdigma. Maging ang US ay mananatiling nakabantay sa anumang hakbang na gagawin ng China matapos ang tatlong araw na simulation […]